TWENTY NINE

39 0 0
                                    


"Hindi mo sinama sa story yun sa Ate mo.."- napailing na lang ako.

"Hindi ko po kaya pa nong nag susulat ako.."- nakangiti kong sabi sa kanila.

"Kamusta ka ngayon?"- tanong ng direktor

"Trying to be better everyday.."- sabi ko sa kanila

"That's good to hear Ms. Gwen.."- sabi naman sakin ng Asst. Director

"What about Migo? Hindi na kayo nagkita?"- umiling ako sa tanong niya.

"Hindi pa nga kayo tapos.."- nakangiting sabi niya sakin kaya napangisi na lang ako. Smooth naman ang pag uusap namin dahil gagawin nilang movie ang ginawa kong story at wala daw silang babaguhin dahil gusto nila ng sad ending daw.  Hindi man ako naging isang Pulis sa ngayon at na pupursue ko pa ang ang isang pangarap ko na maging isang sikat na writer. Buti na lang at may kumagat pa sa istorya na ginawa ko.

Dumaan muna sa isang mall dahil kailangan kong icelebrate ito dahil sa wakas may isa na kong pangarap na natupad. Nagitla pa ako ng mag ring ang cellphone ko.

Pia is calling...

"Ano?"- bored ko na sabi sa kanya.

"Wala man lang Hi?! Asan ka? May biglaan akong duty need ko na umalis walang mag aalaga kay Fialka! Umalis din si  Mama! Yung asawa ko duty pa!!"-  napairap ako sa narinig ko dahil for sure ako ang mag aalaga non.

"Nasa Mall ako Pia."-

"Great! Im on my way!"- binaba na niya ang tawag at tinext ko ang exam location ko imbes na sa mamahaling restaurant ako kakaen ay nag tungo ako sa paboritong kainan ni Fialka. She is 3 years old kaya mag eenjoy siya sa mall after namin kumaen.

Dumating din naman agad si Pia kasam si Fialka at mabilis na umalis. Buti na lang naka order na ko ng kakainin namin bago pa siya dumating.

"Wow Tita!  You know my favorites!"-

"Of course baby.."- sabi ko kaya naman masaya nalang kaming kumakaen. Umalis din kami agad doon at pumunta kami sa supermarket dahil mamimili din ako ng grocery namin. Habang  namimili ako ay narinig kong sumigaw  si Fialka.

"Tito Migo!!"- napalunok ako ng magtamang muli ang aming mga mata sabay baling sa mga batang tumawag sa kanya. Nakangiti siyang lumapit sa bata at hinalikan siya sa noo, napako na yata ako dahil hindi na ko makagalaw.

"Asan mama mo?"- tanong niya sa bata kaya naman napatingin na lang ako rack habang hindi makatingin muli sa kanila.

"Duty, im with Tita Gwen."-

"Oh. Hi Gwen!"- lalo ng nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang pagbati niya sakin. Dahan dahan akong tumingin sa kanya, nakangiti siya sakin, parang unang beses to na ngiti niya sakin after ko siyang di piliin.

"Hi.. l-long time no see.."- napaubo pa ko dahil parang natuyo din ang lalamunan ko.

"Yeah.."- tipid niyang ngiti pero agad ding umiwas sakin. "Im with my - - - - "- napatigil siya at biglang ngumiti sa may likuran ko kaya dahan dahan akong napalingon at nakita ko ang isang babae na hawak hawak ang malaking tyan niya.

"Babe.."- nakangiting sabi ng babae bago siya lumapit kay Migo. Oh. Fck! May asawa na siya at mag kakaanak! Samantala ako nag momove on pa din sa kanya!

"Babe this is Fialka Pia's daughter and this is Gwen my college friend.."- tipid akong ngumiti at ngumiti din ang babae. Oh damn she is so fcking Pretty. Ngiti pa lang niya parang kahit sino maiinlove.. Nong ngumiti siya parang lahat ng confidence ko kinaen na ng lupa.

"I'm Celestial.."- nakipagkamay siya sakin at agad ko naman na kinuha yun.Nangangatal pa ang aking kamay ng nakipag kamay sa kanya, kahit ang mga tuhod ko ay parang nanginginig sa kaba. Celestial.. just like my name.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon