"Wala talagang Ideya si Vivian na nanligaw si Migo sayo?"- tanong ni Vali habang nag aantay kami ng prof pumasok na silang tatlo.
"Wala kasi sakin siya lumapit eh kala ko ba nagtrending ako sa school parang di naman pala..."- natatawa ko pang sabi totoo naman lintik akong pag usapan dito ng dahil kay Migo at Kevin tapos si Vivian hindi alam? Imposible naman..
"Edi ipapaalam natin!"- agad ko namang hinampas si Pia sa sinabi niya.
"Aray ko!"- daing niya.
"Hayaan mo na lang si Vivian ang makatuklas!"- napataas ang gilid ng labi ko sa hayop na si Pia.
"Karapatan niyang malaman ang totoo!"- sabi niya na akala mo naman talagang may totoo samin ni Migo hindi naman ako ex girlfriend..
"Wow Pia,! Close kayo?"- sabi ni Jessy.
"Hindi pero diba may mga gantong kwento na tunay na pagkakaibigan talaga ang gusto niya kaso dahil hindi mo sinabi ang totoo baka magalit sayo.."- tama din naman si Pia baka totoo pakikipagkaibigan niya kaya dapat din niya malaman ang totoo pero hindi naman kasi bigdeal sakin yun baka mamaya isipin pa ni Migo na nag pifeeling ako masyado.
"Tama ka naman Pia pero kasi hayaan na lang natin siya ayokong isipin pa ng iba na nag pifeeling ako kay Migo hindi naman naging kami.."- sabi ko sa kanila.
"Pero dapat sinabi mo na nanligaw pero hindi naman naging kayo.."- sabi ni Pia sa kanya.
"Hayaan mo na siya Pia baka naman hindi mag tanong na si Vivian."- sabi ni Jessy kaya nag kibit balikat na lang si Pia sa kanya. Nasa canteen kami hindi na kami lumabas dahil mainit mag lakad kaya naman dito na kami kumaen.
"Ayaw pala sila Vivian oh,."-sabi ni Vali sabay turo kina Vivian na nasa kabilang table. Kasama niya si Migo, Jasper at isang Educ student din siguro na babae.
"Mukhang nagliligawan na sila.."- sabi ni Jessy. Napairap na lang ako at tinuloy ang pagkaen. Right, baka nag liligawan na sila the way Migo smile at her ganon din siya sakin parang may kung anong kumirot sa puso ko dahil sa nakikita ko.
"Hayaan niyo na sila."- sabi ni Pia at kumaen na lang din pati sina Vali ay nag kibit balikat na lang kaya tahimik kaming kumaen.
"Bilisan niyo punta ko library.."- sabi ko sa kanila dahil naluklok ako bilang Vice President ng Government ng School namin at may meeting daw kami..
"Kailan kapa nahilig sa libro? Ano kakabisaduhin ang criminal law book 1 at book 2?"- sabi ni Pia kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Siraulo! Pag nag lalibrary mag babasa ng libro?"- sabi ko sa kanya
"Ay hindi ka nga pala nag babasa nakikipag landian ka lang don! Ayiieee naaalala si Kevin!"- sinabunutan ko na siya at napatawa na lang sina Vali sa kanya.
"Tanga ka talaga! May meeting kami kingina ka!"- sabi ko sa kanya habang nag aayos na para umalis
"So isasama mo kami? Ayoko don!"- sabi ni Pia
"Edi kami na lang maiwan ka dito!"- singhal ko sa kanya at tumayo na, sumunod naman sina Vali at susunod din pala si Pia ang dami daming arte talaga. Nag lalakad na kami paalis pero napatigil dahil sa tawag ng isang babae.
"Gwen!"- tawag ni Vivian kaya naman napangibit ako habang nakatalikod dahil tinawag pa ko, humarap akong nakangiti sa babaeng nakatayo na malayo sa mesa ni Migo pero nakatingin sina Migo.
"Vivian,"- nakangiti kong tawag sa kanya. Tahimik din na nakikinig lang sina Vali pero si Pia may nakakalokong ngiti kaya baka mag salita pa to ng kung ano. I don't trust her sa kadaldalan niya.

BINABASA MO ANG
ALMOST
General FictionPwede mo bang sabihin saken na pwede mo bang mamiss yung taong hindi naman naging sayo? Paano ko aalalahanin ang lahat kung wala naman kameng nakaraan? Paano ko sasabihin na baka pwede pa kung huli na lahat? Paano ko sasabihin sa kanya to lahat ku...