THREE

38 0 0
                                    

Isang malakas na busina sa tapat ng bahay namin dahil andoon na sina Jessy. Hindi pa ayos ang uniform ko at hindi pa ko nag susuklay tinanghali ako dahil sa kakaisip sa punyetang si Migo.Ginugulo niya ang mga sistema ko. Narinig ko na lang na tumunog ang gate hudyat na pumasok na nag mga hampaslupa.

"Baka pwede mong bilisan! Late na tayo!"- sabi ni Pia habang nagbubungkal ng pagkaen sa mesa. Kapal face talaga. Kinuha ko na ang bag ko at tsaka dire diretsong lumabas. Sumunod naman si Pia na may kagat pang hotdog at may dalang dalawang tinapay.

"Patay gutom ka girl?"- tanong ko sa kanya habang sinasara ang gate. Hindi niya ko pinansin dahil punong puno ang bibig niya.Pag pasok ko sa kotse ni Jessy ay nakita kong tagisa na sila ni Jessy ng pandesal.

"Tinanghali ka ng gising?"- tanong ni Jessy

"Obvious ba?"- taas kilay kong sabi habang sinusuklay ang basang basa ko pang buhok. Inayos ko din ang I.D ko at uniform dahil gusot na.

"Ay ang taray?"- sabi ni Pia na nag pupunas na ng bunganga niya.

"Kainis kasi nakakahagard pag hindi ka talaga nagigising ng umaga!"- sabi ko ay kinuha ang panyo ko dahil tulo pa ng tulo ang buhok ko.

"Bakit kasi na late ka ng gising?"- natatawang tanong ni Jessy saken. Napatigil ako sa pag pupunas ng buhok.

"Hangover yata."-

"Sows! Baka dahil kay Migo! Ayiiieee nakakakilig talaga yung kagabi na ginawa ni Migo! Kaasar naunahan pa si Jasper umamin!!"- sabi ni Pia

"Kawawa naman si Pia.. Hindi ka naman yata talaga type non nag pifeeling kalang.."- sabi ni Jessy sa kanya

"Oo nga baka si Pia na lang ang nangangarap."- sabi ko naman kay Pia

"Ha! Pag yun umamin sakin wala ng ligaw ligaw!"-

"Wow harot!"- sabi ko sa kanya at tinapos na ang pag aayos ng sarili dahil malapit na kami sa school.

"Lantod mo!"- sabi naman ni Jessy.

Nagtawanan na lang kame at nag kwentuhan  at ilang minuto lang ay nakarating din kami sa school. Bumaba na kami pag kapark ni Jessy at pumasok na sa gate. Yung school kasi namin may gate para sa parking at may gate para sa papasok na estudyante dahil No  ID No Entry iniiscan din kasi ang ID namin.

Ako ang unang pumasok at napatigil ako ng makita ko si Migo na nakaupo at parang may inaantay. Tumama ang mukha ni Pia sa likod ko dahil siya ang kasunod ko.

"Aray! Ano ba!"- reklamo niya

"Kung di ka ba naman tanga ikaw ang nasa huli ikaw pa nabangga."- sabi ko habang nakatingin kay Migo na nilalaro ang isang piraso na rosas napakagat labi ako sa hindi ko alam na dahilan.

"Ow si Mr. Liligawan kita."- sabi ni Jessy kaya tumabi si Pia sakin at tiningnan din si Migo na nakaupo.

"Ow! HI MIGO!"- sigaw ni Pia. Napatingin si Migo at tumayo na para lumapit samin nina Jessy.

"Nakakahiya ka talaga Pia."- bulong ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya. Kainis imbes na lalagpasan ko lang si Migo sumigaw sigaw pa si Pia. Yari talaga sakin to!

"Goodmorning Girls,"- sabi ni Migo ng nakangiti

"Magandang umaga! Una na kami!"- nagtatakbo si Pia na hinihila si Jessy. Kaya naiwan kami ni Migo.

"Good morning Migo."- tipid ko siyang nginitian. "Tara na malelate tayo."- tinuro ko ang daan para maglakad na kami.

"For you."- inabot niya ang red roses kaya kinuha ko ito. Napangiti ako dahil ni minsan kay Kevin hindi ako nakatanggap ng ganto.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon