EIGHT

19 0 0
                                    

Kinabukasan pumasok din ako dahil una sa lahat hindi kami mayaman para mag aksaya ako tuition, hindi nag paalila ang nanay ko sa ibang bansa para sayangin ko lang ito. Yang pag iinarte ay walang karapatan sa mahirap na tulad ko kaya kahit ayoko na sana pumasok dahil kung ano ano lang maririnig ko ay wala akong choice.

Kasabay kong pumasok sina Jessy at Pia papasok pa lang ako ng gate ay nakarinig na agad ako ng salita na kala mo naman mga perpekto sila.

"Lakasan na lang talaga ng loob ang pagpasok lalot kabet ka pala. May girlfriend na si Kevin pumatol pa."- napairap ako habang iniiscan ang I.D ko. Napasinghap naman sina Pia.

"Ang landi landi! Kawawa naman si Migo!"- sabi ng isang babae pero hindi ko sila pinansin.

"Aga aga buhay ng ibang tao ang umagahan?"- sabat ni Pia sa kanila pero nag sasalita pa sila pero umalis din sila.

"Don't mind them Gwen."- sabi ni Jessy kaya naman tumango na lang ako at nag dire diretso na papasok sa classroom namin.

Napakarami kong naririnig na kung ano ano mga comment nila kay Kevin at Migo pero lahat ng yun hindi ko pinansin, diretso akong naglakad at wala akong pakialam kung anong sabihin nila dahil sa issue ni Shai at Kevin wala akong alam doon. It was kevin plan to ruin my life. Fvck him.

Pag pasok ko ng room ay si Migo agad ang nakita ko, diretso ang tingin sa white board at hindi man lang tiningnan ang taong pumasok. Doon ako napatungo dahil sa kakahiyan ko sa kanya, kahit di ko kasalanan pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan ko sa kanya dahil nasaktan ko siya. Napatingin lahat ng kaklase ko sakin pero wala akong pakialam. Nakita ko si Kevin sa may likuran ko tumingin siya sakin kaya imbes na 2nd row ako umupo at first row ako umupo at sumunod doon sina Jessy.

"Good morning girls.."- natigilan si Vali ng makita na nasa first row kami tipid na ngumiti sina Jessy sa kanya.

Naging ayos ang lesson namin sa mga bagong prof at ng si Ma'am Zonia na ay tumingin siya sakin at kay Migo na parehong may blankong mukha. Napabuntong hininga ako ng makita na nagaalala ang mga mata ni Ma' Zonia. Nag pokus ako sa pakikinig hanggang sa magtanghalian na, pumunta kami sa labas ng karendirya at kumaen doon. Ganon padin kanya kanyang bulungan at kanya kanyang opinyon sa nangyari kesyo malandi daw ako, mangaagaw, desperada, makati pero lahat ng yan hindi ako nasaktan dahil alam ko sa sarili hindi totoo yun. Meron naman tungkol kay Migo na hindi ko naman daw kinaganda ang pag papaasa ko kay Migo, pafall daw ako at feelingera. Edi nyarp.

Bumalik na kami sa room namin pero sad to say wala daw yung prof at mag attendance na lang daw kami.

"Nakakatamad naman."- sabi ni Vali at naginat hindi kami lumabas dahil ang init init sa labas pero hindi din kami nakatiis dahil lumabas din kami para mag CR.

Nag lalakad kami ng papuntang CR ng makita ko ang kumpulan ng mga kaibigan ni Migo. Nakangiti siya pero yung mga mata niya hindi masaya, nakita kami ng mga kaibigan niya at hindi nako na baguhan ng mag bulungan sila.Dadaan pa naman kami sa harap nila. Taas noo akong naglakad kasama sina Vali.

"Kung ako niligawan ni Migo hinding hindi ko siya lolokohin."- sabi ng babaeng kaibigan ni Migo. Alam ko siya si Rose. Napatigil sina Pia sa sinabi niya pero ako dire diretso lang.

"Oo kung ako din talaga hindi ko na babalikan ang ex kong hindi naman naging proud sakin.."- sabi naman ng isa. Siya naman si Jelay.

"Kaso hindi kayo niligawan."- dire diretsong putak ni Pia sa kanila. Napalingon naman ako kung anong reaksyon ng mga kaibigan ni Migo. Nanatili namang nakangisi si Migo at blanko ang kanyang mata.

"Stop it Pia."- sabi ko na lang at tsaka naglakad na pero ang bait bait talaga sakin ng tadhana ay nakasalubong namin si Kevin at narinig niya ang sinabi ni Melissa.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon