EIGHTEEN

23 0 0
                                    


SPG

Nakikinig lang kami ni Migo sa lecturer ng sumandal na ko sa upuan at tinaas ang paa.
Feel at home ang lola niyo.

"You okay?"- sabi ni Migo ng sumandal ako.

"Yeah."- tipid na sagot ko. Ilang oras din ang lumipas at parang nakakaramdam na ako ng antok at hindi ko na naramdaman na nakatulog na pala ko.

Naramdaman ko na lang na binuhat ako kaya nagising ako. Minulat ko ang mata ko at nakangiti si Migo habang buhat ako.

"Sorry nakatulog ako."- sabi ko ng ibaba niya ko sa kama. Naka Dim light na ang kwarto niya.

"It's okay."- nakangiti niyang sabi

"Saan ka tutulog? Pwede naman doon na ko sa sofa.."- sabi ko sa kanya nang iayos niya ang  kumot.

"Diyan kana, doon na ko."- nakangiti niyang sabi kaya ng paalis na siya at hinila ko ang kamay niya kaya napaupo siya. Tinitigan ko siya, na parang kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha niya. Ngayon lang, kahit ngayon lang pagbibigyan ko ang sarili ko na hayaan munang mas mahulog pa kay Migo.
Nakatingin lang din naman si Migo sakin na parang kinakabisado din ng mukha ko.

Inilapat ko ang noo ko sa noo niya, nag tama ang tungki ng ilong namin.Napapikit ako sa ginawa ko sa kanya.

"Bakit ba sa ilang taon na lumipas hindi man lang dumapo yang mata mo sakin?"- sabi ko sa kanya habang nasa ganong posisyon kami.

"Mababago ba ang lahat pag sinagot ko yan.."- sabi niya kaya naman napamulat ako at nilayo ng bahagya ang mukha. Napaka seryoso ng mukha niya na nakatitig sakin.

"Try.."- maikli kong sagot.

"Sigurado ang gusto ko.. ayoko nang sumubok baka talo na naman.."- malungkot niyang sabi. Still the same Migo. Duwag,pag dating sa pagibig. Hindi ako nakasagot at kagat labi ko siyang hinawakan sa mukha.

"I really m-miss you.."-diretsong sabi ko sa kanya na hindi man lang ako kumurap. Gumihit ang ngiti sa kanyang labi at ganoon din sakin. At dahil pagbibigyan ko ang sarili ko ay nilubos lubos ko na. Hinalikan ko siya at agad din naman siyang humawak sa batok ko at gumanti sa halik ko. Halik na pareho kaming sabik na sabik. Hindi pa nakontento si Migo ay hinawakan pa ang dalawang pisngi ko para mas madiin niya ang labi namin sa isat isa. Para kong nilulunod sa mga halik niya, para kong hinehele at dinuduyan. Hindi ko na namalayan ng ihiga niya ko at akoy nanatiling nakakapit sa kanyang batok para mas mahalikan ko pa siya.Shit Migo! Mas lalo ka yatang gumaling humalik!

Tumigil siya ng halik at tinitigan muli ako.
Nakahawak lang ako sa kanyang pisngi habang nakangiti sa kanya.

"Ayoko magtama ang mata natin dahil baka mabaliw na ko sayo.."- nakangiti niya pinaglalandas ang daliri niya sa mukha ko."Ang hirap hirap iwasan ng mga matang iyan.."- napangiti ako ng halikan niya ko ulit, yung halik na hindi na agresibo kundi dahan dahan na para bang pina- nanamnam pa sakin kung gano siya kasarap humalik. Tangina! Natatawa ako habang hinahalikan siya kaya naman tumigil siya at kunot noong tumingin.

"Ganyan ka ba kakilig at kahit nasa gitna ka ng halikan ay natawa ka?"-nakangising sabi niya. Napaka prangka naman nito! Masama bang matawa kung pano siya humalik.

"Sarap mo kasi humalik, Taste like heaven!"- napahagalpak ako ng ngumiwi siya ng sabihin ko yun kaya naman muli na naman niya kong hinalikan.

"May mas masarap diyan."- kagat labi akong tumawa dahil sa sinabi niya. 

"Oh! I like that, wild!"- sabay kaming napahagalpak dahil sa mga sinasabi namin sa isat isa. First time namin mag usap ng ganto at first time din namin maghalikan ng ganto ka lalim pero umalis siya sa ibabaw ko at nahiga sa gilid ko.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon