TWENTY EIGHT

27 0 0
                                    


"Tanginang ending yan napakalungkot!"- saad na sabi ng head writer." Nagustuhan to ni Direk?"- tanong niya sa Asst. writer na nakaupo din sa harap ko.

"Sabi ni Direk gusto naman niya makagawa ng malungkot na ending."- sabi niya palipat lipat lamang ang mata ko sa kanila.

"Sabagay, puro kasi siya happy ending.. Maiba naman.."- ngisi niya sabay tingin sakin. "Well Congrats Ms. Gwen..Ano inspirasyon mo sa kwento na ito?"- mapait akong napangiti at inalala kung bakit ko ba nasulat ang kwento na iyon.

"Kwento po iyon ng buhay pagibig ko.."- napngiti ako at napakunot naman ang noo nilang dalawa..

"Yung kay Migo at Trevor totoong nangyari?"- tanong ng Asst. Writer.

"Totoo po sila pero kalahati ng kwento hindi na totoo, yun ang gusto kong mangyari.. sana.."- malungkot akong napangiti sa kanila.

"Paano? Baka pwede mo naman ibuod samin ang inspirasyon mo dito?"- tumango ako at ngumiti sa kanila.

3rd year college ako noong ng may mahigit na 15 na estudyante ang transferee samin at ang bukod tanging  nakilala ko lamang ay si Migo. Gwapo siya, matangkad, kayumangi ang kulay, may makapal na kilay, perpektong labi at masasabi kong hot siyang transferee. Napangisi ako at nagkibit balikat na lang para makinig sa Prof namin sa harap.

Lumipas ang dalawang linggo ay naging kaibigan ko ang kaibigan ni Migo na si Jasper.  Nag kayayaan na mag inuman sa bahay pinarinig sakin ang pagkanta niya, wala lang daw share lang daw niya. We become friends after that kaya non nag inuman ulet kami ay nag lakas loob siyang sabihin na manliligaw siya pero tagilid dahil may Rico na nanliligaw sakin, nagpaligaw ako para makamove on sa ex kong paulet ulet akong sinasaktan at ginagawang tanga.

Lumipas din ang araw na napapayag ako na manligaw si Migo kahit nanliligaw din si Rico, katwiran ni Migo hindi pa naman kami ni Rico kaya may posibilidad daw na baka siya ang piliin ko. Wow! Confidence yan? Naging okay naman ang lahat pero isang araw nalaman ko nakabuntis pala si Rico. Yes, masakit dahil mabaet naman si Rico sakin pero inisip ko nalang na hindi ganon kalalim ang pagmamahal niya sakin at baka kasalanan ko din dahil nag paligaw ako habang nanliligaw siya.

Kaya ng nalaman ni Migo yun ay natuwa siya pero hindi ko kinatuwa dahil pakiramdam ko naloko ako pero anong karapatan kong mag reklamo kung ako mismo naka gawa ng desisyon na hindi pinag isipin. Naging maayos ang panliligaw ni Migo sakin, lumalabas kami minsan para mag date, minsan naman ay kasama namin ang mga kaibigan namin para maginuman. Nawalan din ng oras si Migo sa mga kaibigan niya dahil mas pinipili niyang makasama ako kaya naman tuwing mag tatagpo landas namin ng mga kaibigan niya ay lahat sila ay nakaismid sakin dahil ayaw nila sakin para kay Migo. Bukod sa may ayaw sakin syempre meron din naman na kahit papano ay may gusto sakin para kay Migo.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon