TWELVE

29 0 0
                                    

Nasa canteen na ko dahil kakatapos ko lang kumaen kaya naman naupo muna ko doon at inantay ang pagkaen na inorder ko kina Jessy. Nag scroll lang ako ng facebook ko ng makita ang picture habang nakanta si Migo. Inopen ko yun at tiningnan isa isa, napaka gwapo talaga niya papangiti na lang ako kada scroll ko sa kagandahan ng lahi na meron siya. Napatigil ako ng makita ko yung pagbigay niya ng rosas kay Vivian, nakatungo ito habang nasa tapat niya si Migo na nakatingin sakin buti nalang hindi kita ang luha ko kundi mag mumukha akong kawawa. Iniscroll ko pa at nakita ko kahit sa pagtanggap ng rosas ay nakatungo siya kaya siguro hindi niya pansin na nasa taas niya ko.   Nasa 1K plus ang likes non at puro comment  doon kaya binasa ko.

Kay Vivian binigay pero kay Gwen nakatingin.

Si Vivian ang kailangan pero si Gwen ang mahal.

Tangina, ano to? Paubaya ni Moira. 

Gwen lang malakas.

Oh fck.

Gwen pa din.

fcking tape.

landi padin ni Gwen.

Syempre hindi mawawala ang ating mga basher.

Baka nilalandi na naman niya diba nanliligaw na kay Vivian.

Wow. Bilis naman mag judge nito! Katuwa kayo!

Still the same Gwen. Malandi. - Napamura ako lalo ng makita ang comment ni Shai. What the fck? Napangiwi ako ng makita ang comment ni Shai ano na namang pinaglalaban niya. Jusko! Hindi ko na binasa pa ang iba dahil tinawag na ko ni Manang. Dinala ko na ang pagkaen at bumalik sa bench wala na doon sina Vivian at mga kaklase niya. Patapos na ang program at ilang saglit na lang malalaman na kung sino ang Mr and Ms. Valencia.

"Oh pagkaen niyo."- inabot ko sa dalawa at kinuha naman nila.

"Okay ka naman ba Gwen?"- tanong ni Jessy. Tumango na lang ako at nanuod ng mga nag sasayaw.

"Asan na sina Vivian?"- tanong ko na lang bigla.

"Umalis eh baka nagutom din."- sagot ni Vali

"Bakit mo natanong?"- tanong ni Jessy

"Wala naman."- sabi ko na lang. Nanuod na lang ako doon at hindi na nagsalita wala din naman akong gana magsalita pa. Tinawag na ang mga candidates at tinawag na ang may mga award, nakuha ni Migo ang Facebook Choice hindi na ako mag tataka dahil sa dami ng likes sa kanyang picture sa facebook. Nakuha naman ni Pia ang Best in Talent  sa girls category at sa lalaki ay si Migo, sino ba namang di mananalo doon kung may naiyak kang babae? At napangiwi na lang ako sa naisip ko. At si Karlo Best in Sports Wear Attire. Hakot awards ang lolo Migo niyo, siya din ang nanalo sa Best in Formal Attire at sa Long gown naman ay si Pia at sigurado na kong silang dalawa ang mananalo.Hindi ako na ko nagtaka ng tawagin silang dalawa  bilang Mr. and Ms. Valencia 2017, kaya naman napairit kami nina Jessy.

"Congrats Pia!"- niyakap ko siya pag kababa niya ng stage.

"Congrats! Napakalupit mo!"- sabi naman ni Vali sa kanya.

"Pasalamat ka hindi ako sumali kung hindi talo ka girl!"- sinapak siya ni Pia dahil don.

"Tangina exempted ako sa exam!"- Tuwang tuwa niyang sabi.

"Sagwa mo naman nakagown ka tapos nagmumura!"- sabi ni Vali sa kanya.

"Ay bobo ano gagawin ko mag papaka pino ako dito! Wala na ko stage gaga!"- tawang tawa kami kasi napakalayo ni Pia kanina habang nasa stage siya sa ngayon na puro mura na naman at magaslaw.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon