TWENTY THREE

30 0 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong nakatigil ang sasakyan napatingin ako sa driver seat pero wala na si Migo kaya naman binuksan ko ang pintuan at bukas naman ito.
Nangunot ang noo ko ng makita ang sarili sa isang napakalaking mansyon yata ito. Ginala ko ang mata ko ng makita ko ang magagandang bulaklak roon lalong gumanda ng paligid dahil sa papalubog na araw.

"You like it?"- napatingin ako sa likod ko ng makita si Migo na may hawak ng baso na may wine. Hindi ako sumagot, aba himala hindi na siya pipi. Naglakad lakad ako para makita pa ang kagandahan ng lugar, mukhang bago pa ang bahay dahil naaamoy ko din ang pintura dito.

"Gwen."- tawag niya pero hindi ako umiimik. Bahala ka sa buhay mo kanina ako salita ng salita hindi mo ko pinapansin tapos ngayon patawag tawag ka pa.

"Celestine.."-

"Celes.."- parang hinaplos ang puso ko pero hindi ako umimik.

"Baby.."- kagat labi akong nag pipigil ng ngiti dahil ayokong pansinin siya. At bakit ako ngingiti aber?

"Celestine, this house... bahay natin to."- napatigil ako sa paglalakad habang nakatalikod sa kanya. Para akong biglang nadudume ng marinig yun sa kanya. Bahay? Bahay namin? Etong mansyon na ito ay amin.. Kailan pa?

"P-paano?"- lumabas bigla sa bibig ko kaya napatakip ako.

"Pamana sakin to, pinaayos ko lang at noong nag sisimula akong maging pulis ay nag tatabi ako para mapagawa to kasama ng kita ko sa Restobar.."- napaharap na ko sa kanya at nakita ko ang mga mata niyang tumama agad sa mga mata ko. "Kahit hindi kita nakita Gwen, Kahit ang daming hadlang satin, Kahit hindi naging t-tayo mahal kita.. Mahal na mahal kaya nga pinagawa ko ito para kung babalik ka sakin ay meron na kong nakahanda para satin.."- napatulo ang luha ko sa sinabi niya kaya napatakip na naman ako ng bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. Paano na hindi naman naging kami ay nakarating na siya sa planong ito?

"M-Migo.."- tawag ko sa kanya at walang makuha na salita

"Kahit walang kasiguraduhan Gwen  bumabalik balik ako sa bahay niyo pero pagkakataon ba talaga na wala akong nakikitang Gwen?"- napahikbi ako ng mapait siyang ngumiti sakin. "O baka nag kakataon lang na wala ka sainyo sa tuwing pupunta ako doon.."-

"M-Migo please.."- sabi ko dahil nahihirapan akong isipin na ganon pala ang mga ginagawa nong mga nakaraang taon.

"Alam kong bumagsak ka sa board dahil una kong hinanap ang pangalan mo, sinabi ko sa sarili ko na sana ako ang bagsak at hindi ikaw kasi alam ko kung gano mo kagustong pumasa kaso hindi na nakapasa... I was there, waiting for you pero wala ka.."- natahimik ako at inisip na nasan ako non pero 2 weeks yata akong hindi lumabas noon dahil sa sobrang pagkadepress ko sa hindi pag pasa.  All this time he is waiting for me, mas lalo lang akonh nasaktan para saming dalawa.Tahimik akong nakikinig sa kanya at dumidilim na pero hindi namin napapansin  yun. "Alam ko na nagtake two ka sa board kaya ng makita ko pangalan mo, I'm so happy Gwen.. Tapos makakasabay  pa kita sa Jeep noon dahil nagkataon naman na wala akong sasakyan non.. That time i'm applying for Police Officer at masaya ako na pinansin mo ko non.."- mapait siyang napangiti at naalala ko nga yung nakasabay ko siya ng Jeep at sinabihan ko pa siyang nanaba. Mapait din akong napangiti habang walang tigil ang luha ko sa pakikinig ng mga nararamdaman niya.

"Huling kita na natin pala yun kaya nag pokus ako sa pag aapply ko habang pinagagawa ko na itong bahay na ito.. Sinubukan kong hanapin ka, mag pabalik balik sa bahay niyo pero lagi akong bigo, Nalaman ko kay Karlo na nauwe ka na sa boyfriend mo kaya andoon na ko sa point na hayaan ka na lang sa kanya pero yung tadhana Gwen, gago.."- napatawa siya habang nilalaro ang wine sa baso niya. "Gago, dahil nakita na naman kita sa Restobar.. I didn't know na andoon ka kasama nina Pia.."-

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon