Nagising ako na may napakasakit na ulo at dahan dahan kong minulat ang mata ko at tumingin sa relos ko at nakita ko na alas tres na ng hapon. What the fvck! Napasapo ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. Shit! Hangover na literal. Napatingin ako sa katabi kong hilik na hilik pa, hindi ba niya naiisip si Hella? sa bagay may kasama naman na maid para mag bantay kay Hella.
Bumangon na ko at dumiretso sa banyo para maligo. Napakasarap maligo at ramdam ko na din ang gutom na nararamdaman ko. Natapos ako maligo at nagbihis na ko,lumabas ako sa may kwarto at iniwan doon si Vali na mahimbing pang natutulog.
Nakita ko si Hella na nag lalaro kasama ng maid niya."Hi Hella!"- lumapit ako sa kanya at ngumiti siya sakin at humalik sa pisngi.
"Kumaen ka na ba?"- tanong ko sa kanya."Yes Tita!"-
"Just wait for your mom ah? Kakaen lang ako ah!"- hinalikan ko siya at binilin sa yaya niya. Lumabas na ko at bumaba na dahil mag hahanap ako ng makakainan.
Nakarating ako sa isang restaurant malapit sa dagat. Pumasok na ko at umorder na ng pagkaen at isang kape. Tumawag muna ko kay Trevor dahil hindi ko na siya naupdate pa at naintindihan naman niya dahil lasingan nga daw ang ginawa namin kagabi. Binaba ko na ang phone ko at dumating na din ang order ko. Shit! Gutom na gutom na ko talaga, may pagkaen naman sa room namin ni Vali pero di ko gusto ang pagkaen doon. Habang nakaen ako ay muntik ko ng mabuga ang kape dahil bigla na lang may umupo sa harap ko. Napairap na lang ako sa lalaking nakasandal at nakahawak sa sintido niya mukhang masakit din ang ulo niya.
"Ang dameng table Migo, bakit dito ka pa?"- diretso kong tanong sa kanya. Ang dame dameng table nakikisiksik pa dito! Kaya ako nag kakasala kay Trevor dahil sa malanding ito!
"Sorry.. gusto ko lang ng kasabay.."- mahina niyang sabi habang nakahawak sa sintindo.
"But i want to be alone!"- pinagpatas ko ang mga kinakaen ko para lumipat ng pwesto pero hinawakan ni Migo ang braso ko.
"Please Stay.. Kahit ngayon lang huli na to.. Huli na to pangako.."- nagtama ang mata namin at nakita ko na napaka seryoso ng kanyang mukha. Bumalik ako sa upuan at pinag patuloy ang pagkaen ko. Tahimik din siyang kumaen at hindi din nag salita kaya nanahimik din ako, pinakikiramdaman ang mangyayari.
"G-Gwen.."- napatunghay ako at muling nagtama ang aming mga mata. Nakikita ko na malungkot ito at talagang mararamdaman mo dahil na din sa kanyang mukha but still he is so fcking handsome.
"Kung ipipilit mo na naman ang gusto mo eh hindi ka ba napapagod Migo?"- diretso kong sabi sa kanya. Mabuti na lang din at wala pang masyadong tao dito.
"Hinding hindi ako mapapagod sayo.. Hindi kailanman pero.."- inilihis niya ang tingin niya sakin at tumingin sa dagat ng may malungkot na ngiti biglang kumirot ang puso ko sa nakita ko kaya nanatili akong nakatingin sa gwapo niyang mukha. "Hindi ko naman pwedeng ipilit kung ayaw mo talaga..sobrang sakit lang na alam kong mahal mo ko pero hindi mo ko mapili pili.."- hindi ko alam pero sabay na bumagsak ang luha naming dalawa habang nakatingin siya sa dagat at akoy nakatingin sa kanya."Baka ako lang naman talaga ang problema, baka ako talaga ang nag susumiksik sayo.. Alam ko namang may boyfriend ka pero heto ako nag babaka sakali na naman.."- napakagat labi siya para pigilan ang luha niya pero traydor ito kaya napapunas na lang siya.
"Migo.."- tawag ko sa kanya pero nakangiti niya ng mapait at umiling. "Look at me.."- nilapit ko ang kamay ko at hinawak sa mukha niya para mag tama ang mga mata naming dalawa pero nong makita ko ang lungkot sa mata niya ay lalong nadurog ang puso ko. Fck! Ang sakit sakit makitang ganto ang lalaking mahal ko."Walang problema sayo.. Ako, ako ang may problema..."- napapunas ako sa luha ko ng magtama na ang aming mata.
"No Gwen..Kasi kung wala sakin..,matagal mo na kong pinili.."-
"Migo hindi mo ba nauunawaan ang sitwasyon natin, may boyfriend ako.. nasa isang relasyon ako!"- sabi ko sa kanya at napatungo siya habang nag pupunas ng luha kagat labi akong napatingin sa kanya para lang mapigilan ang paghikbi ko."Hindi naman porke sinabi mo na iwan ko siya para sayo ay ganon lang kadali yun.. Pano ang mga magulang niya? magulang ko? mga kaibigan at kakilala namin? Anong sasabihin nila sakin Migo?!"-
![](https://img.wattpad.com/cover/263162985-288-k967869.jpg)
BINABASA MO ANG
ALMOST
General FictionPwede mo bang sabihin saken na pwede mo bang mamiss yung taong hindi naman naging sayo? Paano ko aalalahanin ang lahat kung wala naman kameng nakaraan? Paano ko sasabihin na baka pwede pa kung huli na lahat? Paano ko sasabihin sa kanya to lahat ku...