TWENTY FOUR

18 0 0
                                    

Inaayusan na kami ngayon para sa kasal ni Jessy at mag kakasama kaming tatlo nina Pia. Si Trevor ay on the way na dahil hindi siya natulog dito sa hotel dahil nag party kaming girls kagabi.

"Hindi talaga magandang mag lasing tapos sa umaga ay need mong maging fresh!"- hawak ni Pia ang sintido niya dahil sa sakit ng kanyang ulo.

"Yeah."- sagot naman ni Vali na kasama ang baby Hella namin dahil siya ang flower girl ng Tita Ninang niya. Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin at hindi sila pinansin, kinakabahan ako sa mga mangyayari at the same time masaya ako para kay Jessy.

"Gwen saan na si Trevor?"- tanong ni Vali sakin

"Malapit na siya."- sagot ko at chineck ang cellphone ko para itext ulet siya.

"Sina Karlo andyan na daw..."-nakangising sabi ni Pia.

"Wag mo sirain mood ko Pia utang na loob.."-madiin kong sabi sa kanya. Nampipikon na naman itong si Pia eh huling biro niya sakin halos dalawang linggo ko siyang di pinansin di nadala.

"Charot lang!"- sabay tawa niya at si Vali naman ay napailing na lang dahil nang iinis na naman si Pia. Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan at sabay sabay kaming napatingin doon. Tumakbo si Hella at binuksan ang Pintuan.

"Tito Karlo! "- tawag niya sabay yakap at napaiwas na lang ako sa sunod na pumasok. "Tito Migo!"- nakita ko sa may salamin na ngumiti si Migo ay niyakap din si Hella. Shit! Ngayon ko lang siya ulit nakita after our confrontation at sobra akong kinakabahan dahil sa presensya niya. Tangina lalo yata siyang gumwapo sa paningin ko.

"What's up girls?!"- isa isang lumapit si Karlo samin para ibeso kami. "Ang gaganda niyo naman!"- sabi niya sabay kindat kay Pia. Iwww! Bigla akong naaligaga ng bineso na ni Migo si Vali at kasunod non ay ako pero nakahinga ako ng maluag ng lumagpas siya sakin at dumiretso kay Pia. Ang feeling ko doon.

"What about Tita Gwenny?"- kunot noong sabi ni Hella kay Migo. Aww she is cute napangiti ako sa kanya at agad din binawi ang ngiti ng makita kong nakatingin pala sakin si Migo. Napaubo ako at tumingin kay Hella. Nakakahiya! Baka isipin pa ni Migo na nag aantay ako ng beso niya.

"It's okay Baby..were not close.."- sabi ko sa kanya.

"But Tita Pia said he is your boyfriend.."- what the fcking fudge. Dahan dahan akong napatingin kay Pia na naka peace sign at sinamaan ko siya ng tingin.

"Sinabi ko ba yun baby? Parang hindi naman!"- tangi ni Pia.

"Hella stop it na!"- tawag ni Vali kay Hella. Hindi ko na tiningnan si Migo ng lumabas at sumama sa kanya si Hella kasama niya si Karlo na lumabas.

"Gago ka talaga Pia! Baka malito mamaya si Hella pag dumating si Trevor!"- galit na saad ko sa kanya.

"Dati ko pa sinabi kay Hella yun malay ko bang matatandaan niya.."- sabi niya at napapailing na lang si Vali sa kanya.

"Nakakapikon ka talaga Pia!"- inis na sabi ko sa kanya at umalis nako sa upuan dahil natawag na din si Trevor. Hindi ko na alam pano pa mapipigilan ang kadaldalan ni Pia, baka malito na si Hella pag nag kataon. Nakita ko si Trevor na nakatayo sa may information area kaya tinawag ko siya.

"Trevor!"- tawag ko sa kanya at ngumiti siya.

"You look so pretty!"- saad niya sabay halik sa noo ko.

"Ako lang to Love!"-biro ko sa kanya kaya natawa siya. Pumunta na kami sa Venue sa may malapit sa dagat. Napakaganda ng pag kaka ayos ng kasalanan na ito. Maya maya lang kasi ay mag sisimula na ang kasal, nakita ko na sina Vali kaya lumapit ito sakin at hindi pinansin si Pia dahil nayayamot ako sa kanya. Kumaway lang ako kay Trevor ng makitang nakatingin siya sakin.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon