SIX

19 0 0
                                    

Huling araw na ng bakasyon namin bago mag second semester kaya naman nag kayayaan na mag outing kami nina Pia, Vali, Jessy, Dona at Jasper. Hindi sumama si Anna dahil may gagawin siya pero alam ko na ayaw lang niya sumama dahil andoon ako.

Panay pa din ang text sakin ni Kevin ng kung ano ano. Iba ibang number ang gamit niya napaisip ako kay Shai ba ganto din siya? Nagtetext siya pag kasama ko si Migo kaya alam ko ngayong outing namin ay andoon na naman siya. Nakailang palit na ko ng sim at masyado talagang magastos. Nag tataka ako kung bakit kahit anong palit ko ay nalalaman pa din niya. Habang inaantay ko si Migo ay tiningnan ko ang mga text sakin.

Unknown: Hawak niya ang kamay ng pag aari ko.

Naalala ko nung nag lugaw kami kasama si Vali. Naglalakad kasi kami habang magkahawak ang kamay namin kaya lalo kong sinabit ang kamay ko sa braso ni Migo non at ng nakarating  kami sa lugawan ay hawak pa din ni Migo ang kamay ko.

"Vicente kakain na tayo, bitawan mo muna ang kamay ko."- nakanguso ako sa kanya habang hawak ang kutsara sa isang kamay.

"May isa pa kong kamay ako papakain sayo!"- sabay subo sakin ng lugaw.

Nang nakauwi kami ay bigla na naman siyang nagtext.

Unknown: Magreply ka alam kong nababasa mo to babe.

Binalock ko siya agad at inalis ang sim kaya naman chinat ko agad si Migo na nagpalit ako ng sim. Nagtatanong na din si Migo kung bakit pa palit palit ako ng sim at sinabing may nanloloko lagi sakin na nanghihingi ng pera hindi ko sinabi na si Kevin ang nagtetext sakin.Dahil sabi nina Pia wag kong patulan dahil baka iniintay lang niya na patulan ko tapos umeksena pa samin  ni Migo.

Unknown: Kahit mag palit ka ng magpalit ng sim malalaman at malalaman ko padin yan.

Napapailing na lang ako kaya ng araw na yan hindi nako mag simcard puro chat na pero ng sa chat naman puro dummy account naman at kung sino sinong artista ang ginagamit na pangalan.

Joshua Garcia: Wala ka ng pangbili ng sim? Pabili ka kay Migo.

Una sa lahat ang layo mo kay Joshua Garcia ang itim mo kaya!

Enrique Gil:   Ikaw pa din ang baby ko! Baby ko! Baby ko!!

What the fcking fudge? Hindi ba siya naaalibadbaran, Enrique Gil ha?

Nag deactive ako ng Facebook at nakokontak ako nina Migo sa Instagram. Nahihirapan nako ng ganto na ako lagi ang nag aadjust pero nagulat ako ng mismong account ni Kevin ang nag chat sa insta ko ngayon lang.

KeKevinV: Hindi kita titingnan pero behave ka. Kita tayo sa school bukas!

Nagulat ako at siya pa mismo ang nagblock sakin. Anong pinaplano niya? Behave Behave  pang nalalaman, jowa? Nagulat ako ng may bumusina kaya naman lumabas nako, lumabas din si Migo para kunin ang gamit ko.

"Daanan natin sina Dona mag  kasama sila nila ni Jasper."- tsaka kinuha ang gamit ko at nilagay sa compartment.

"Oo sige."- sabi ko sa kanya at tsaka pumasok na sa sasakyan niya. Tahimik lang ako sa buong byhe dahil naiisip ko si Kevin. Natatakot ako sa plano niya kung meron nga.Tumigil kami sa tapat ng isang bahay kung saan nakatira si Jasper, bumusina ako at lumabas na si Dona at Jasper.

"Excited na ko!"- masayang sabi ni Dona pag pasok. "Oh Gwen may ice cream ako tagisa tayo!"- binigay niya ang isang cheese flavor na ice cream.

"Bakit wala kami?"- nagtatampo na tanong ni Jasper.

"Kay Gwen lang yun! Share na lang tayo!"- sabi ni Dona kay Jasper.

"Iww may laway mo na, wag na lang!"- nandidiring sabi ni Jasper sa kanya.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon