TWO

29 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at naging busy kaming lahat dahil sa paparating na Prelim.
Sa sobrang busy din namen di ko na  magawang makipag kita kay  Rico dahil siya mismo ay busy na din sa kanyang trabaho kaya naman hindi na din madalas kung pano kame nag dati na palaging mag katext or mag kachat.

"Kamusta naman kayo ni Rico?"- tanong saken ni Vali

"Ayos naman pero hindi na ganon katulad na dati na lageng mag kausap,"-

"Kailan mo ba siya sasagutin?"- tanong naman ni Pia at pinanlakihan ako ng mata. Tumingin ako sa likod at nakita ko ang buset na tingin ni Kevin. Nakikinig ba siya?

"Malapit na,"- sagot ko sa kanya.

"Hay sa wakas mag kaka boyfriend kana ng matino,"- sabi ni Jessy na halatang pinaririnig kay Kevin.

"Hi Migo!!"- kaway ni Pia kay Migo. Kumaway si Migo sa kanya.Nakakatuwa din sina Migo dahil sobrang dame niyang kaibigan dito sa school kahit transferee lang siya. Yung mga kaibigan niya na kaklase namen parang lahat sila close na close. Samantala ako ang nakakasama ko lang sina Pia, Vali, Jessy, minsan andyan si Dona at Anna pero yung kina Migo iba. Sobrang solid.

"Si Migo ba talaga o si Jasper?"- asar ni Vali kay Pia.

"Syempre si Migo,"- hinampas ni Pia si Vali. Kumaen na lang kame at tsaka kame bumalik sa classroom dahil may klase. Pinauna ko na muna sina Vali dahil mag ccr ako. Palabas na ko ng CR ng may biglang may humila saken.

"Putek!"- napabitaw ako sa kanya.Kilala ko ang hawak at pabango niya kaya alam kong siya ito.

"Gusto kita makausap,"- Sabi ni Kevin

"Ano pa bang kailangan mo?"-

"Sinong Rico? Yung kapatid ni Mae?"- kunot noo niyang tanong.

"Excuse me?"- tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng apog ng lalake na ito.

"Si Rico sasagutin mo na?"- kung pwede lang mag palit ang kilay ko sa pagkakakunot ay siguro nag palit na sila. What? what? what? Ano daw?

"Ano naman sayo?"- natatawa kong sabi sa kanya.

"Wala na kame ni Shai!"- napatingin muli ako sa kanya.

"Kaya eto ka na naman eeksena saken?"- diretso kong sabi sa kanya." San ka nakuha ng kakapalan ng mukha?Hindi kaba napapagod na babalik ka saken, babalik ka kay Shai? Bakit natutuwa  ka na pareho kameng tanga at binabalikan kapa? Are you enjoying this fcking situation?!"- sigaw ko sa kanya.

"Eh ikaw naman kasi ang mahal ko hindi siya!"-

"Baliw kana,"- tinalikuran ko na siya at tsaka dire diretsong bumalik sa classroom. Tangina kapal ng mukha? Mahal niya pa ko? Paano? Nakakatawa siya. Nakakatawa din ako dahil kahit paulet ulet akong gaguhin ay bumabalik ako sa kanya pero sa ngayon? Hindi ko kayang masaktan si Rico dahil mabaet siya saken at mabuti siyang tao hindi tulad ni Kevin. Dimunyu! Napasalampak ako sa sahig ng malakas akong nabangga.

"Shemay!"- sabi ko habang pinapagpagan ang aking palda.

"Sh*t! Sorry Gwen!"- nakita ko si Migo na naupo na at tsaka tinulungan akong tumayo.

"Ikaw pala Migo, bakit kaba kasi tumatakbo?"- tanong ko sa kanya

"Late na kasi tayo,"- natatawa niyang sabi kaya naman nanlaki mata ko at nag tatakbo na sumunod naman siya. Pero pataas palang kame ay maingay naman ang mga kaklase ko kaya di nako nag worry.

"Wala naman palang prof,"- natatawa kong sabi at pumasok na. Natawa din siya. Nakita kong nakaupo sa likuran ng upuan ko si Kevin. Fvck!

"Oh wala si mam ngayon,"- sabi ni Pia. Tumango na lang ako at tsaka umupo.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon