SEVENTEEN

29 0 0
                                    

Lumipas ng mabilis ang buwan at mag kakasama kami nina Pia na nag rereview para sa darating na board exam at masasabi kong literal na struggle is real.

Hindi madaling magaral ng criminology at ang dami daming nagsasabing madali ang kurso na ito at pang bobo daw ito. Sige kayo na magaling at magaral ng criminology tsaka niyo sabihin sakin na madali pala ito!

Sa sobrang bilis lumipas ay nanganak na si Vali. Sayang lang at hindi pa kami makadalaw sa kanya dahil nga may review na kami.

Final coaching namin ngayon sa isang review center at laking gulat ko na magkikita kami ni Migo sabi ni Karlo ay final coaching lang siya nag enroll dahil tinatamad daw itong pumasok sa araw araw kaya final coaching na lang. Sobrang laki ng pinagbago niya mas tumangkad siya, may lumaki katawan niya, mas magulo ang buhok niya, mas gumwapo siya in other words. Ang hindi lang nagbago sa kanya ay yung kahit kaharap niya ko ay never sumayad ang mata niya sakin. Napairap ako habang pinapanuod siyang nakikipag tawanan kay Karlo. Baka naka move on na siya? Pero kung naka move on na siya bakit hindi niya ko tingnan? Agad akong binalot ng kaba ng magsalita si Karlo.

"Gwenny papakilala kita sa friend ko!"- masayang sabi ni Karlo.

"Sino na namang friend yan!"- taas kilay kong sabi sa kanya.

"Heto oh! Si Migo!"- turo niya sabay ngisi ni Migo saken at umiwas ng tingin agad habang nakangiti. Parang may gumulo na naman ang sistema ko ng makita ko ang ngiti na yun. Aaminin ko din naman na hindi ko talaga siya makalimutan at hindi ko alam kung bakit.

"Hard pass!"- sabi ng katabi kong si Pia sa kanyang boyfriend at sinamaan pa ng tingin si Migo. Napatawa na lang kami ni Jessy ng kumamot sa ulo si Karlo. Under ba naman ni Pia.

Sumunod na araw habang nasa review center kami hindi man lang ako sinamahan ni Pia at Jessy na bumili ng lunch kaya tiis ganda akong naglakad at tumawid pa para makakaen. May malapit na mcdo kaya naman doon na ko kakaen. Papasok nako at hahawakan na ang bakal ay halos malaglag na naman ang puso ko ng makita si Migo na may hawak na Ice cream na for sure ay matcha ang flavor. Akala ko pinag buksan niya ko pero hindi pala, lumabas na siya at natameme lang ako saglit.

Pano niya kaya nagagawa na hindi man lang nagugulat o kinakabahan pag nakikita ako para talaga kong isang hangin sakanya.

Sobrang pressure ko yata at bigla na lang akong nag kasakit . One week na lang bago mag board at talagang matindihan na ang pag aaral ng lahat. I have no choice but to attend final coaching. Kahit singhot ako ng singhot at ginagawa ko ang lahat para lang makinig at isulat ang mga importante ay ginagawa ko. Gusto ko umiyak dahil sa sama ng pakiramdam ko pero ayokong maging mahina ngayon, kailangan kong mag aral at ayokong bumagsak dahil lang sa sakit na ito.

"Gwenny ano gusto mo? Umuwe na lang tayo if you want? Sobrang taas ng lagnat mo!"- sabi ni Jessy habang hinahawakan ang noo.

"Ayos lang ako.."- sabi ko habang umiinom ng tubig.

"Ang kulet! Umuwe na lang tayo. Ipaparecord ko nalang yung sasabihin ng lecturer!"- sabi ni Pia pero matindi ang pagiling ko sa kanya.

"Kumaen na kayo. Bilhan niyo na lang ako."- sabi ko at sabay silang napabuntong hininga.

"Okay babalik kami agad!"- sabi ni Jessy

"Babe dito ka na lang walang kasama si Gwen!"- sabi niya kay Karlo sasagot na sana si Karlo pero may biglang nagsalita.

"Ako na bahala kay Gwen."- napaangat pa ang labi ni Pia ng marinig ang sinabi ni Migo.

"Ayos lang ako sige na umalis na kayong lahat."- sabi ko sabay sandal sa upuan pero walang natinag sa kanila.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon