TWENTY SEVEN

23 0 0
                                    

2 years later

"Class dismiss!"- sabi ko sa mga estudyante ko na excited na umuwe dahil  medyo gabi na. Sa dalawang taon na lumipas nag masteral ako para makapagturo dahil bago naman ang pagpupulis ay second dream ko ay maging teacher. Prof ako sa dati kong school dahil private doon ay pwedeng naka 9 units ka at on going ang masteral mo pero as of now naman ay tapos na ako sa masteral ko.

At dahil biglaan ang tatlong araw na walang klase dahil gagamitin ang school sa isang event. Kaya isusorpresa ko si Trevor dahil 3 months na siyang nasa batangas dahil sa project nila, umuuwe naman siya dito paminsan minsan pero this month hindi pa siya umuuwe kaya isusorpresa ko na lang siya doon sa site.

Nag hahanda na ko ng gamit na dadalhin ko para bukas kumuha ako ng sapat lang para sa tatlong araw at tsaka nag halungkat ng mga paper works ni Trevor dahil doon naka lagay ang address ng site nila sa batangas.
Habang nag hahalungkat ako sa isang notebook ay may nalaglag na maliit na sobre, kumunot ang noo ko at binuksan iyon.  Isa iyong invitation sa binyag at habang tinitingnan ko ay nakita ko ang date, bukas ang nakalagay doon. Tiningnan ko ang address at nakalagay doon ay sa batangas din. Ibabalik ko na sana ang invitation ng mapansin ko ang pangalan ng batang bibinyagan.

Francine Viane Liroy

Kaapelyido ni Trevor? o sa kapatid niya? pero wala naman akong alam na may buntis sa kapatid niya o sa hipag niya. Hindi ko na lang pinansin at ibinalik ko ang note book at inilagay ko sa bag ko ang invitation at natulog na dahil maaga pa ako bukas.

Kinaumagahan ay umalis na ako buti na lang at last year binigyan ako ni Ate ng second hand niyang kotse dahil nakabili na ang pamilya niya ng bagong kotse. Hindi na ko nag atubili na makapunta sa batangas gusto kong malaman kong sino ang bata at kaninong anak kay Trevor kaya? Napailing ako dahil alam ko na hindi niya magagawa yun sakin. Mahal ako ni Trevor kaya alam ko hindi niya magagawa iyon.

Bago ko pumunta sa Venue ng binyagan na kahit hindi naman ako invited ay dumaan muna ko sa simbahan. Pumasok ako sa gilid ng simbahan at nakita ko na may mga aligaga na tao at maganda ang dekorasyon ng simbahan mukhang may ikakasal. Lumuhod ako para magdasal dahil di ko man  aminin ay kinakabahan ako sa posibilidad na baka.. Umiling na lang ako at taimtim na nag dasal.

Nang matapos akong magdasal ay tumayo na ko at habang nag lalakad ako ay hinahanap ko ang susi ng kotse ng may nakabangga sakin kaya naman naglaglagan din ang laman ng bag ko.

"I'm sorry Miss!"- sabi ng nakabangga sakin na halos mawalan ako ng hininga. Kilala ko ang boses na yun kailanman hindi ko nalimutan ang boses na iyon. Napatunghay ako at hindi nagkamali, siya pa din yung lalaking nasaktan ko.

"M-Migo.."- kagat labi kong sabi habang siya'y busy sa pag babalik ng gamit ko sa bag agad din naman siyang napatunghay at muli na naman nagtama ang aming mata.

"Gwen."- malamig na sabi niya sakin. Nilihis niya agad ang tingin sakin at tinulungan niya ko sa pagtayo ko. "Long time no see.."- sabi niya sabay bigay ng bag sakin at agad ko iyong tinanggap. Nakasuot siya ng tuxedo na kulay emerald at sobrang ayos ng kanyang buhok, he look so fresh today.

"Yeah."- tipid kong sagot sa kanya habang nakatingin sa lalaking nakapamulsa na. "You look good.."- dagdag ko pa napangiti naman siya at tipid din akong ngumiti. May sasabihin sana si Migo ng biglang may tumawag sakanya.

"Mr. Villaruel!"- sabi ng humihingal na babae at tsaka bumaling kay Migo. "Kanina ko pa po kayo hinahanap Sir! In 3 mins paparating na po ang mapapangasawa niyo! "- napakurap ako sa narinig ko at parang may kung anong bumaon sa lalamunan ko ng marinig ko iyon. Napatingin ako sa paligid at kakulay ng damit niya ang tema sa simbahan. Mapapangasawa niya? Mag aasawa na siya?! Ikakasal na siya? Kailan pa siya nag karoon ng girlfriend? Dalawang taon lang naman ang lumipas.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon