FOUR

21 0 0
                                    

Ilang araw din ang lumipas na panay antay sakin ni Migo sa loob ng school at minsan hinahatid niya ko pag hindi ako nasabay kina Jessy. Si Rico naman ganon padin pero hindi na tulad ng dati, naiintindihan ko na busy siya sa trabaho niya pero minsan sa isang araw ay hindi na siya nakakapag text sakin or tumawag man lang. Hindi ako nag dedemand sa kanya dahil una hindi naman kami, Pangalawa wala kong karapatan dahil walang kami at Pangatlo walang kami kaya babalik tayo sa una na hindi naman kami. Napailing ako sa iniisip ko pero hindi ko hinahayaan na hindi siya mabigyan ng oras dahil ayokong isipin niya na mas napapalapit na ko kay Migo.

Naglalakad ako papuntang canteen ng makita ko si Mae ang kapatid ni Rico. Hindi niya ko nakita kaya naupo siya doon sa bakanteng upuan bumili muna ko ng isang tubig bago umupo sa harap niya.

"Hi Mae."- sabi ko at halatang nagulat siya sa presensya ko

"Ate ikaw pala."- sabi niya tsaka tinuloy ang kinakaen niya.

"Mae kamusta na si Rico?"- napatigil siya sa pagsubo at tumingin sakin at tsaka bumaba ulet ang mata sa pagkaen.

"Nanliligaw pa din ba siya sayo?Wala ba siyang binabanggit?"- napakunot ang noo ko sa sinasbi niya.

"Wala naman siyang binabanggit huli usap namin ay kahapon ba o nung isang araw pero sa text lang yun,."-

"Sorry ate."- biglang bulalas niya.

"Ha bakit?"- takang taka ko na tumingin sa kanya."Bakit ka nag sosorry?May nangyari ba?"- bigla naman akong nakaramdaman ng kaba dahil bigla na lang siyang napaiyak sa harap ko. Napatingin ako sa paligid ko baka isipin nila binubully ko ang isang first year.Napakagat labi ako ng kumuha ng tissue at binigay sa kanya.

"Mae bakit ba?"-

"Si Kuya kasi ate.."- tumunghay na siya at sinalubong ang aking mga mata." Nakabuntis siya last month pa.."- para kong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya at napansandal na lang sa narinig ko.

"Last month pa? Bakit di niya sinasabi?"-

"Natatakot siya ate, totoong mahal ka niya. Totoo ate, ang problema yung babae kasi inakit si kuya kaya ayun nakabuntis si kuya."- pag papaliwanag ni Mae.

"kung mahal niya ko hindi siya papatol sa iba.."- sabi ko ng diretso sa kanya.

"Ikaw din naman ate kung mahal mo si kuya hindi ka mag papaligaw sa iba."- nagulat ako sa kanya ng sabihin yun. Bigla kong nahiya sa sarili ko meron siyang point baka ako din ang dahilan kung bakit siya nakabuntis.

"Sinabi niya sakin na desisyon ko kung mag papaligaw ako dahil hindi naman kami at isa pa ni hindi ako sumagot sa lahat ng I love you niya.."- Hindi ko naman masisisi si Mae dahil yun ang nakikita nila na nangyayari pero hindi ako nag bigay ng motibo na may pag asa siyang sagutin ko siya kaya nga may ligaw na tinatawag para makilala mo ang tao . Hindi din namn porke nanligaw si Migo ay gusto ko na agad. Hindi ganon kabilis ang proseso when it comes sa mga getting to know hanggang sa maging kayo. Hindi yun one click na dapat mahal mo na din yung tao porke mahal ka!.

"So pafall ka lang ganon?"- sabi niya sabay cross ng mga braso niya at sumandal din sa upuan. "Tigilan mo ate hindi nakakaganda.."- tsaka siya tumayo at iniwan ako doon. Tinawag pa kong ate? Ha! Paiyak iyak pa siya tas mamalditahan niya lang pala ko.

"Baka nasasaktan siya para sa kuya niya."- nagulat ako kay Anna na umupo sa pinag upuan ni Rico.

"Alam mo ba nasa isip ko?"- takang tanong ko dahil parang yun ang sagot sa tanong ko. Baka tama siya nasasaktan siya para sa kuya niya.

"Hindi naman sa ganon."- natatawa niyang sabi. "Pero seryoso na nasasaktan si Mae. Ayaw niya kasi sa nabuntis ng kapatid niya at ikaw ang gusto niya."- sabi ni Anna

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon