FIVE

20 0 0
                                    

Today is our one day league. It's a sportfest kung saan lahat ng department ay mag lalaban laban. Ang course lang kasi sa school namin ay tanging walo lang. Private school ito kaya kahit hindi siya sobrang laki kagaya ng mga university ay hindi naman sobrang lungkot dito.

Mag kasabay kami ni Migo na pumasok sa gym at hinanap sina Jessy dahil nauna sila dito. Nakita naman namin agad at tsaka kami pumunta doon. Im not into sports kaya hindi ko talaga trip ang mga sportfest.

"Hi Girls."- sabi ni Migo sa tatlong babae kaya naman ngumiti ang tatlo. Nagulat naman ako sa cellphone ko na biglang tumunog may nagtext sakin.

Hudas: Ganda mo pero mas maganda ka pag ako katabi mo.

What the fcking tape? What is wrong with this Hudas?! Kailangan ko na talaga mag palit ng number dahil nababadtrip na ko sa kapapansinan nito.

"Are you okay?"- tanong ni Migo sakin kaya tinago ko agad ang cellphone ko at ngumiti sa gwapong nilalang na ito.

"Oo naman."- sabi ko sa kanya at tsaka tumingin sa mga naglalaro sa gym.Kanina pa kasi sila nag lalaro dito at late kami dumating dahil wala din naman kaming gagawin. Attendance is must as always!

"Napakaboring naman ng sportfest na to!"- reklamo ni Pia.

"We need to stay. Mag lalaro si Vali ng Volleyball."- sabi ni Jessy sa kanya at tumango naman si Vali sa kanya. Saming apat si Vali lang ang mahilig maglaro.

"Talo naman yang si Vali manunuod pa."- sabi ni Pia kaya hinampas siya ni Vali. Napatawa kaming lahat.

"And also Migo kasali siya sa basketball."- sabi ko sa kanila. Sumali kasi sa basketball si Migo kaya naman manunuod kami.

Ilang oras din ang inantay ng unang nag laro ay si Vali, hindi naman mapagkakaila na magaling talaga siya kaya nanalo ang department namin.Mamayang 2pm pa ang next game niya kaya nanuod kami ng laro ni Migo na 2nd quarter na dahil nag sisimula na din to kanina pa. Naupo kame sa malapit sa may court kaya naman kitang kita na kami ni Migo at kumaway siya ng makita kami.

Nanunuod din ang mga kaibigan niya at nakaupo sa first row ng bench kaya naman napatingin sila sakin at sabay sabay na tumingin sakin sabay sabay din nag irap.  Wow!

"Ayaw talaga nila sayo no?"- sabi ni Pia sabay irap din sa mga yun.

"Why kaya? Maganda ka naman, mabait pero di ko sure at tsaka tanga yun ang sure ko."- nahampas ko si Vali ng sabihin ang tanga at pinanlisikan ng mata. Siraulo!

"Baka ayaw nila ng tanga!"- napahagalpak sina Jessy sa sinabi ni Pia.

"Tangina niyo pong lahat."-sabi ko tsaka binaling ang paningin kay Migo na naka 3 points! Napapalakpak ako ng makitang nakangiti pa siyang nag tatakbo at ngumiti sakin. Nagulat pa ko ng biglang tumunog na naman ang cellphone ko tiningnan ko kung sino si Kevin na nanaman.

Hudas: Wow supportive girlfriend ha?

Napangisi ako at hinanap si Kevin nakita kong nasa isang tabi siya ng poste at halatang galit na nakatingin sakin.

Me: Wow feeling boyfriend?

Nag reply ako at tsaka binalock ang number niya para di na siya makapagtext pa sakin. Bakit ba papansin to? Hindi ba siya titigil sa kakapalan ng mukha niya.

"Ang galing pala ni Migo mag shoot!"- sabi ni Pia habang nakatingin kay Migo.

"Sana all magaling mag shoot!"- sabi naman ni Vali. Mga siraulo pinag nanasaan pa yata si Migo.

"Oh wag rereact isa dyan di pa kayo."- kontra agad ni Pia kahit wala pa kong sinabi. Minsan talaga may mga kaibigan talaga tayo na hindi na suporta satin kagaya nito si Pia bakit ko ba siya naging kaibigan?

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon