ELEVEN

25 0 0
                                    

"Ang ganda mo naman Pia!"- sabi ni Vali sa kanya habang tinaas naman ni Pia ang kilay niya.

"Alam ko Vali!"- confident na sabi niya kaya napasinghap kami ni Jessy sa kanya. Kumuha siya ng make up artist niya dahil una sa lahat wala siyang aasahan samin na mag make up dahil wala kaming hilig lahat doon tanging polbo at liptint lang sapat na.

"Kapal ng mukha kailangan mo manalo ng exempted ka sa exam!"- sabi ko sa kanya habang inaayos din ang sarili dahil hindi naman ako emcee pero dahil ipapatawag kami mamaya kailangan ko mag ayos. Naka Polo shirt kami na kulay maroon na may burda na na dilaw nakalagay doon sa likod ang malaking Valencia Government at sa harap ay pangalan sa baba non ay posisyon. Skinny Jeans lang ang suot ko at white shoes. Nag messy bun lang ako dahil baka mahaggard ako if mag lugay ako ng buhok.

"No need kaya ko naman mag exam no!"- mayabang na sabi niya.

"Okay walang kopyahan ah?"- sabi ko sa kanya at nag liptint na.

"Puntahan ko lang sina Karlo."- sabi ko sa kanila.

"Bakit?"- tanong ni Vali.

"Need niya makita si Migo hayaan niyo na."- gusto ko sana saktan si Pia pero dahil naka make up na siya wag na lang.

"Pia tigilan mo kamo! May nililigawan na yun!! Sama ka Jessy? Iwan na natin si Vali dyn."- tanong ko kay Jessy at agad naman siyang tumango. Nanahimik naman si Pia sa sinabi ko dahil totoo naman na may Vivian na si Migo. Sana all diba.

"Oh girls babalik kami ah?"- sabi ni Jessy sa kanila kaya naman umalis na kmi. Hindi naman malayo ang room kung asan sina Karlo at Migo kaya naman narating din naman namin agad. Unang pumasok si Jessy at sumunod ako, nakita ko agad ang lalaking nakangiti habang nakikipagkwentuhan kay Karlo bagong gupit siya lalo siyang naging gwapo sa gupit. He looks so fcking hot sa polong puti na suot na na nakabukas ang tatlong butones. Sshh! Gwen may nililigawan ang koya mo!

"Shit."- bulong ko sa sarili ko.

"Oh andyan pala kayo!"-sabi ni Karlo habang inaayos ang tshirt na susuotin para sa opening ng program dahil doon sila mag papakilala.

"Bakit hindi kapa nag papalit?"- pormal na tanong ko kay Migo. Gusto ko lang mag tanong dahil maya maya mag sisimula na ang program.

"Mali ang size ko pinapalitan ko na."- sabi niya habang nagaayos ng buhok at hindi man lang sumulyap sakin.

"Migo eto na yun t- - - "- naputol ang sasabihin ni Jasper ng makita kami. "Ay may girls pala."- sabi niya sabay abot ng tshirt.

"Hi Jasper!"- kumaway naman si Jessy sa kanya. Napatingin ako sa hawak kong phone ng biglang tumunog.

Pres Cherry is calling..

Agad kong sinagot iyon pero habang nag sasalita ako ay walang pakundangan na naghubad sa harap ng salamin si Migo kaya naman kitang kita ko ang katawan niya. Nakatingin siya sakin sa pamamagitan ng salamin muli na namang nag tama ang mga mata namin kasama ng kanyang ngisi. Shit!

"Gwen ano na?"- napatalikod ako ng marinig ang boses sa kabilang linya.

"Ano nga ulit?"- napasapo ako sa noo sa kahihiyan dahil hindi ko narinig ang  sinabi niya.

"Need na ang mga candidates sa back stage!  Wala pa yung iba!"- sabi niya kaya naman agad akong sumagot sa kanya.

"Need na daw kayo sa backstage.."- sabi ko na nakatingin kina Karlo, tinutulungan ni Jessy na itupi ang tshirt.

"Can you help Migo? "- makahulugang sabi ni Jessy sakin.

"Oo nga kanina pa siya nahihirapan!"- sang ayon ni Karlo. Sus! Ang dali daling itupi non kahit sarili ko nagagawa ko yun mag isa.
Lumapit ako kay Migo na pinipilit itupi ang manggas ng damit pero kinuha ko yun sa kanya at hindi naman siya nag reklamo.
Dahan dahan kong tinupi ang manggas at napakagat labi ako ng maramdaman ko ang balat niya sa mga daliri ko. Oh fcking shit!Amoy na amoy ko ang pabango na kala mo pinaligo sa sa buong katawan niya. Ang bigat bigat pa ng hinga ko dahil kinakabahan ako sa mga pinag gagagawa ko. Natapos ako sa isang manggas at sa sunod na manggas na. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon