When summer break came, Grant and I seldom saw each other because he got busy preparing for college. He got accepted in a good university with a good basketball program. He has dreamed of being able to play college basketball for as long as I can remember. At kahit na gusto ko sana ay magfocus din s'ya sa pag-aaral, kung matupad man n'ya ang pangarap n'yang 'yun ay magiging masaya na rin ako. At ako naman, I spent a lot of time with Cody. Madalas nasa bahay lang kami pero minsan ay nanonood kami ng sine o kaya ay kumakain sa labas. At dahil madalas kaming magkasama ay tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.
Katulad ng mga nakaraang araw ay magkasama kami ni Cody at nag-uusap sa may garden namin. But this particular day, I felt like he was acting kinda strange. Parang kinakabahan. Always fidgeting.
"Huy! Anong nangyayari sa 'yo? May problema ka ba?" I finally asked.
"Wala. Wala akong problema," he replied while playing with his fingers.
"Sigurado ka?"
"Wala akong problema pero may gusto sana akong tanungin sa 'yo?"
Shucks, ito na ba 'yung moment na 'yun? Bakit ako kinakabahan? "Shoot!" ang sagot ko.
"Close na ba tayo? I mean kilala mo na ako ng mas malalim ngayon, di ba?"
"Oo naman."
"Clarq, do you think I'm worthy?"
"Worthy of what?"
"Worthy to be your boyfriend. 'Cause I am more sure now that I want you to be my girlfriend."
At this point ay hindi na ako makahinga. Ito pala ang feeling na 'yun. Sa ilang buwan na nagpacute kami sa isa't isa at sa dinadami ng oras na inubos ko sa pag-iisip tungkol sa kung paano ko s'ya sasagutin kapag nagtanong s'ya, hindi pa rin pala ako ready for this moment. I couldn't talk because I was holding my breath. And because I wasn't breathing, he panicked.
"Clarq? Okay ka lang? Anong nangyayari sa 'yo?"
I was finally able to breathe out and answer him, "Ha? Ah, okay lang ako."
"Sorry ha. Nabigla ba kita? Akala ko kasi..."