"Huy girl! Nandyan pa ba si Papa Cody?" This is Venice on the phone. Her call came in a few minutes after Cody left.
"Wala na, umuwi na. Bakit?"
"Good 'cause I wanna talk you about something."
"Gora!"
"You broke someone's heart today."
"What? Me? I would never do that. What are you talking about?"
"Si Martin..."
Martin! Martin na naman! Bakit ba ayaw akong lubayan ng mokong na 'yun?
"Martin? Ano naman ang pake ko sa kanya?"
"Wala. Kaya nga brokenhearted eh. Tapos nung pinakilala mo si Cody kanina akala ko magwo-walk out."
"Walk out n'ya mukha n'ya 'no!"
"Ito naman, ang harsh sa bago nating kabarkada."
"Bagong kabarkada?"
"O di ba nga sa atin na s'ya sumasama? Hindi na 'yun hihiwalay sa atin."
"Whatever."
"Pero girl kanina talaga na-feel ko ang pain n'ya when you introduced your boyfriend. Hindi n'ya alam na may boyfriend ka?"
"Malay ko. We're not close so why would I tell him? At isa pa bakit naman s'ya masasaktan?"
"Ang dense mo talaga! Gosh! Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin naniniwala na may gusto s'ya sa 'yo? Jusme naman Clarq! Nagpalipat s'ya ng section para mapalapit sa 'yo."
Para akong natauhan sa sinabi ni Venice. I never really thought of it that way. Ang nasa isip ko talaga ay nang-iinis lang s'ya. That I was some part of a bet that he was really set out to win. Ni hindi sumagi sa isip ko na totoo nga ang sinasabi n'yang may papatunayan s'ya sa akin.
"Pero bakit ako?" I said.
"Bakit naman hindi? Atsaka tinatanong ba 'yan? Syempre he saw something in you kaya ikaw ang gusto n'ya."
"Akala ko talaga..."
"Akala mo ginu-good time ka? Hay naku Clarq! Hindi lahat ng tao ay gago. Si Martin kahit mukhang gago ay hindi manloloko. Well, at least I don't know of any girl na pinaiyak n'ya."
"Look hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin naman s'ya pinaasa. Hindi ko nga s'ya pinapansin di ba?"
"Alam mo girl, after you left, bigla lang s'yang umalis din. Hindi na nga nagpaalam sa akin eh. Sa akin s'ya nagwalk out. Alam kong hindi mo naman intension 'yun pero he really got hurt."
I can't believe I did that! Ako, isang Clarq Salazar, going around breaking guys' hearts. Wow lang ha!
"For the sake of our new friendship, I think you two should have a talk," Venice went on.
"Talk? Ano naman ang sasabihin ko? Sorry hindi ko alam na may gusto ka sa akin pero sorry ulit kasi taken na ako? Ang ganda ko lang masyado ha," I sarcastically said.
"Bakit naman hindi. Eh ganun naman talaga ang sitwasyon. Mabuti nang mapag-usapan n'yo yan ngayon habang maaga pa so it won't get in the way of our friendship."
"Friendship, friendship! Kanina ka pa friendship nang friendship. Hindi ko naman hiningi ang friendship n'ya ah. Baka ito na 'yung chance ko to get him out of my hair."
