Choices We Make

1.1K 60 20
                                    


 

 

 

The first thing I saw when I woke up was a bouquet of white tulips sitting on my vanity table. Alam ko na agad kung kanino galing 'yun. This is one of the things I love about Cody. Hindi s'ya nag-aaksaya ng panahon sa pagsuyo sa akin when he knows he's at fault. Sabi n'ya ayaw daw n'ya kasing hindi naririnig ang boses ko. I usually give him the silent treatment kasi 'pag nagtatampo sa kanya. I got my phone from my side table and checked it. Fifteen missed calls from Cody. Siguro ito 'yung kagabi pa. Sa sobrang pagod ko sa pagiging bad trip ay hindi ko na talaga narinig ang ring ng phone ko. Meron ding tatlong messages from him. Two are from last night. He was apologizing. And the last one was just 10 minutes ago: Good morning my baby. I'm so sorry for last night. I'm waiting for you here in your living room. Just come out when you're ready to forgive me. I love you!

 

 

Lahat ng inis ko sa kanya from last night ay biglang naglaho. Ang babaw ko lang di ba? Nadadaan ako sa flowers at sweet text message. Dali-dali akong tumayo at nagprepare - naligo at nagtoothbrush. Pumili rin ako ng maayos na damit para 'pag hinarap ko s'ya ay maganda ako. Kung paano n'ya ako iniwan sa ere ay ganun din ang babalikan n'ya - magandang girlfriend. Hindi pwedeng nagkatampuhan lang kami ng kaunti ay pababayaan ko na ang sarili ko.



He had his head bowed down and hands clasped together when I saw him. Pinagmasdan ko muna s'ya ng ilang segundo before I made my presence felt. He looked so sad. Bigla akong naawa sa kanya. Ito ang effect sa kanya ng tampuhan namin at ako ang may kasalanan kung bakit ganito s'ya.



"Cody."



Nagtaas s'ya ng ulo sabay tumayo when he saw me. "Clarq."



I walked up to him. "Nagbreakfast ka na? Tara kain muna tayo."



Dapat ay maglalakad na ako papunta sa dining room pero pinigilan n'ya ako by holding my wrist. "Baby, can we talk first?"



Shit lang! Bakit ako kinilig dun sa baby? We have never given each other terms of endearment. Keri na kami sa pagtawag sa isa't isa using our first names. But I would have to admit that he picked a pretty good time to start having one.



"Sige."



"I'm so sorry for last night. Hindi ko alam that there was going to be some kind of program doon sa party. Hindi agad ako nakaalis dahil hindi pa tapos 'yung program and we weren't allowed to leave yet. I'm so sorry. Promise it will never happen again. Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?"



I looked at him for a few seconds before giving him a smile. "You know that I cannot be mad at you for a long time."

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon