"Will you be in my graduation?" ang tanong n'ya sa akin isang gabi.
After that night in my room, I made it a point to spend as much time with him. Naisip ko rin na when he's in college, he might be too busy that we won't be able to see each other as much. Syempre iba na ang schedule n'ya. Kaya ngayon pa lang susulitin ko na.
"Are you inviting me to go?"
"Poopie, tinatanong pa ba 'yun? Given na 'yun. I don't have to ask you to come."
"'Yun naman pala eh. So dapat alam mo rin na given na 'yun na pupunta ako."
"I just wanted to make sure. Baka mamaya naunahan na naman ako eh."
Bakit ba feeling ko talaga nagtatampo ito? O baka naman nagseselos kasi akala n'ya ay hindi na s'ya importante para sa akin.
"Ito naman. Don't tell me nagtatampo ka pa rin hanggang ngayon."
"Hindi nga ako nagtatampo."
"Hindi daw. Eh bakit gan'yan ang mga statements mo. Poopie, 'yung totoo. Nagtatampo ka ba that I'm always with Cody?"
He looked at me. I tried reading his eyes but I didn't get anything. That was a first! He was always very transparent. Alam ko agad kung anong nararamdaman n'ya. Ano ba ang iniisip ng taong ito? Feeling ko tuloy I don't know him anymore. And I think it's all my fault.
"Poopie, nagtatampo ka ba?" I asked again.
He bowed his head and said, "Nagseselos ako."
That confirmed my suspicion. Wala na akong ibang naisip pa kundi lambingin na lang s'ya ng sobra para lang mawala 'yun sa isip n'ya. Tumabi ako sa kanya. Niyakap ko ang kanyang braso at inihilig ang aking ulo dito. "Poopie, hindi ka dapat nagseselos. Sunod kay Mommy, ikaw ang pinaka importanteng tao para sa akin. At kahit ilang Cody pa ang dumating sa buhay ko, hindi magbabago 'yun. May panahon mang hindi tayo magkasama, hindi ibig sabihin no'n ay nagbago na ang papel mo sa buhay ko. You will always be my bestfriend and I expect na ako lang din ang bestfriend mo for the rest of your life."
"Of course," he softly said.