"Galit na galit ako sa ginawa sa akin ni Leigh. I tried really hard. Binigay ko ang oras at atensyon ko sa kanya. Napamahal na s'ya sa akin. Kaya lang ganun talaga eh. All is fair in love and war. Hindi kami ang para sa isa't isa eh. Pero alam mo kung saan ako mas nagagalit? She was my chance to finally get over you. Now I'm back to square one."
I was so shocked by what he said. I completely understood what he meant but I could not just seem to let it in. What?! Really?!
I turned around and said, "What?"
"Sinabi ko sa 'yong hahayaan kita to live your life at hihintayin kong bumalik ka sa akin. But I saw that you and Cody are good for each other and he makes you happy that's why I gave you up."
Teka lang! I am sure he didn't say that the girl he was referring to is me.
"And then I met Leigh. Nagkaroon ako ng reason para hindi ka na mahalin. She grew on me at naagaw na ang atensyon kong dati ay palagi lang nasa 'yo. Ito na 'yun, I moved on. But I was wrong. Siguro ito ang karma ko dahil I went into a relationship for the wrong reasons."
"Hindi. Hindi 'yan totoo! Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!"
Nagtatakbo ako palayo sa kanya na parang walang bukas. I didn't even bother to take the elevator. I took the stairs and I was running like hell. The next thing I knew ay nasa labas na ako ng building. I immediately hailed the taxi that came in sight and jumped in.
Paanong nangyaring hindi ko namalayan 'yon? We were always together. How come I did not see that? Ibig sabihin ba na lahat ng I love you n'ya sa akin ay may ibang meaning? Manhid ba talaga ako? At ngayong alam ko na, bakit ganito ang reaksyon ko. Ayaw ko bang mahal n'ya ako? Eh ako, ano ba ang nararamdaman ko towards him? Mahal ko s'ya, there's no doubt about it. Pero hanggang saan? Anong klaseng pagmamahal? Kaya ko bang ibalik 'yung pagmamahal n'ya sa akin.
Pesteng buhay naman ito o! Kung kailan aayusin mo na ang lahat ay mas lalo pang gumulo. Waaaaah!
********
"Sis, alam mo na ba?"
Nang makarating ako sa bahay ay sakto naman na tumawag si Caissey. This is the distraction that I need. Magpapahinga muna ako sa pag-iyak. Napapagod na talaga ako.
"Ang alin?"
"May get-together daw ang batch natin, parang mini reunion."
"Kailan daw at saan?"
"Next Tuesday. 'Yung place ay TBA pa. Kailangan daw maconfirm muna kung ilan ang pupunta para makahanap ng place that can accommodate all of us kung marami tayo. Pero definitely daw ay malapit lang sa school para middle point ng lahat."
"Why not. Sige count me in."
"Great!"
