"Poopie, free ka ba tonight? Let's go out," Grant said when he called.
"Kahit may lakad pa ako ay ika-cancel ko para lang samahan kita. Game ako d'yan! Kahit saan mo pa ako kaladkarin ay okay lang sa akin," I replied.
Totoo naman. Kahit weekend ay wala naman talaga akong lakad. Bukod sa tinatamad din akong gumimik ay wala rin namang nag-aya sa akin. Surprisingly hindi ako kinulit ni Martin na lumabas kasama n'ya. Busy siguro. Pero dahil si Poopie ko ang nag-aya ay gora ako kahit may sakit pa ako o ano man.
The last time we were together ay 'yung nagsleepover ako sa kanila and that was 3 weeks ago. But the good thing is in those 3 weeks not a day went by that we didn't get to talk to each other. Kahit gaano pa kami kapagod pareho dahil sa mga ginagawa namin sa kanya-kanyang buhay ay nagtatawagan kami bago matulog. Minsan nga tatawag s'ya para lang mag-goodnight. Masaya na ako doon at alam kong masaya na rin s'ya doon. At least kahit hindi na kami nagkikita araw-araw gaya ng dati ay may ginagawa pa rin kami to be 'present' in each other's lives.
"So I'll pick you up at 6. Let's have dinner tapos let's go out for some drinks."
"Game!"
I started getting ready for my night out with him the moment we put down the phone. In such a long time, I think this is actually the first time I got so excited to go out.
I bought a cute dress some weeks ago with no reason, nagandahan lang ako at nagustuhan ko ang fit sa akin kaya binili ko. 'Yon ang napili kong isuot. It was a sleeveless, navy blue dress with scoop neck and a flowing skirt that went down until just above my knees. Kung meron mang magandang naidulot sa akin ang college life, ito 'yung pag-gain ko ng kaunting weight. Dati kasi feeling ko payat ako pero ngayon ay sakto na ang katawan ko. May laman ako in all the right places. Wow lang di ba? At syempre dahil this is a special night, I made an effort to fix myself. I put on light make-up and made loose curls on my hair.
Akala ko matutulala sa akin si Poopie 'pag nakita n'ya ako looking like this pero it was the other way around. Ang gwapo lang n'ya ha. And he looks so fresh at parang ang bango-bango. Naka polo lang naman s'ya and jeans and loafers pero there was something in his aura that was so different. Parang bumata ang itsura n'ya.
"O, bakit ka natulala d'yan?" he asked.
"Grabe Poopie! Parang nakaka-in love naman ang itsura mo. Ang gwapo mo ah!"
"Ha, ngayon mo lang na-realize na gwapo ako? Matagal na kaya. Ikaw na lang ang hindi nagsasabi n'yan."
