Never Perfect

1.1K 71 32
                                    



Pero teka! Anong sabi n'ya? Maiintindihan n'ya kung mahal ko pa si Cody? Anong ibig n'yang sabihin?


I was about to call him when I heard my mom calling out for me. Dali-dali akong tumakbo sa kwarto n'ya. Nakita ko s'yang nakahiga sa sahig na namimilipit habang nakahawak sa tiyan.


"Manang! Manang! Tulungan n'yo po ako!"



********


"Are you okay?" Grant asked as he handed me a cup of coffee.


Ate Charina helped us bring Mommy to the hospital. Ang laki ng pasasalamat ko na nandyan lang s'ya at marunong s'yang magdrive. Hindi na rin s'ya nagtagal dahil wala rin namang kasama sa bahay ang kanyang anak at kasambahay. The moment I got the chance ay tinawagan ko naman agad si Poopie. Hindi ko alam pero parang automatic na talaga sa akin na s'ya ang takbuhan sa mga panahong kailangan ko ng pamilya. At kahit ano pa man itong pinagdadaanan na namin ay hindi ako magdadalawang-isip na s'ya ang tawagan sa mga ganitong pagkakataon.


"I'm worried, Poopie."


"I know. We just have to wait for the results of the tests done on her. I'm sure it's nothing that serious."


I looked at my mom's pale face, which made me doubt that everything will be okay. "Sana nga." I wiped the tears that almost escaped by eyes before facing him. "Thank you for being here, Poopie. Alam ko pagod ka pero pumunta ka agad dito."


"You are my family, of course I will be here."


Napaakap ako sa kanya at dito na bumuhos lahat ng luha ko. I felt him hug me back. "Natatakot ako. Bakit ganito? Bigla na lang ganito. Bakit hindi ko man lang namalayan na may sakit na pala s'ya? I'm sure she might be feeling something before this."


"Paano mo naman malalaman kung tinatago naman n'ya from you. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. The best thing to do is pray that she'll be fine."


Si Grant talaga ang rock ko. Sa mga kaguluhan sa buhay ko ay s'ya ang palaging kalmado... s'ya rin ang nagpapakalma sa akin. I really do not know where I'll be without him.


"Poopie, nagdinner ka na ba?" I asked while wiping my tears again.


"Oo, kumain naman ako bago pumunta sa inyo kanina."


Kanina. Kanina nga pala ay nandun s'ya pero hindi kami nagkita. At 'yung message... kailangan mapag-usupan naman iyon. I don't want anything to get in the way of us being okay.


"Poopie, 'yung message mo pala..."


"It's not that important now. Let's not talk about that first. Mas importante si Ninang ngayon. It can wait."


Tama nga naman. This isn't the perfect time for that. Kailangang masiguro ko munang magiging okay si Mommy bago ko pagtuunan ulit ng pansin ang lovelife ko.

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon