"Clarq, anak? Gising ka na ba?"
Nagising ako sa boses ng Mommy ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Clarquin! Gumising ka na! Ngayon ang alis ng Ninang Vida mo. Ihahatid natin s'ya sa airport."
Dahil dito ay napabalikwas ako sa kama ko. "Gising na po," I answered.
"Bilisan mong mag-ayos ha para makaalis na tayo."
I hurriedly got up and got in the shower. I think, to date, this has been the shortest bath I've ever taken. Hindi ko na rin pinag-isipan kung anong isusuot ko. I just put a pair of jeans, v-neck shirt and my sneakers. Nagmamadali ko ring sinuklay ang buhok ko at kinuha ang bag sabay takbo pababa sa dining room para magbreakfast. Halos patapos na si Mommy sa pagkain pagdating ko doon.
"Bakit kasi tanghali ka na gumising? Alam mo namang ngayon ang alis ng Ninang mo."
"Sorry po."
"Anak, nakapag-usap na ba kayo ni Grant?"
At doon ay natigilan ako. Ang Poopie ko... si Grant. May dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nung lumipat sila pero ni minsan ay hindi ko man lang s'ya naisipang kamustahin. Ganito na ba kataas ang pride ko para baliwalain s'ya ng ganun? Have I really turned into a heartless person?
"Hindi pa rin po. Mamaya po, magkikita naman po kami doon eh."
"Clarq, Grant needs you now more than ever. Maiiwan na s'ya ng mommy n'ya. Oo nga nandito lang sa Pilipinas ang Ninong Ramon mo pero alam naman nating they are not in good terms. We are all he has. Don't let him down just because of some petty fight you've had with him. Gusto kong ayusin n'yo kung ano man ang pagtatampuhan n'yo and I want you to make the first step."
"Opo."
********
Sinundo namin sa condo nila si Ninang Vida and Grant. Sabi ni Mommy the plan was we're going to bring Ninang to the airport using our car at tapos ay ihahatid din si Grant pabalik sa kanilang condo. Kaya ngayon ay nandito kami sa likod, sa magkabilang side at hindi pa rin nagpapansinan. I remembered what Mommy said at breakfast about him being alone and me making the first step. Sa totoo lang nung nakita ko s'ya kanina ay parang gusto ko na s'yang yakapin. His eyes look so lonely. I instantly hated myself. Iniwan ko s'ya sa ere. For all those times he was by my side eh ito pa ang igaganti ko sa kanya. Wala talaga akong kwentang tao.
I slowly turned my head to look at him. He seemed to be sleeping. Pero kahit na nakapikit ang mga mata n'ya, ramdam kong malulungkot ang mga ito. His left hand was resting on his side. I reached out for it and held in my right hand. This woke him up. He looked at me. I gave him a tentative smile and then I felt him squeeze my hand. At that moment, I knew our fight was over.