"Poopie, remember ha. You promised to be at my game tomorrow. Sabi mo wala ka nang afternoon classes di ba?"
"Oo, I promised I'll watch kaya I'm gonna watch."
"So susunduin na lang kita bukas after your last class?"
"Hindi na. I've asked Venice and Martin to come with me. May kotse naman si Martin eh."
"Ha? Bakit kailangan..."
"Alam ko na 'yang sasabihin mo. 'Wag mo nang pagselosan si Martin. Alam na n'yang wala s'yang pag-asa sa akin at tanggap na rin n'ya yun. Magkabarkada kami at silang dalawa ni Ven ang pinakaclose ko. Ayaw kong manood mag-isa sa game n'yo. Kailangan ko ng resbak."
"Resbak? Para saan?"
"Eh baka maimbyerna ako sa mga fans mo doon at biglang mapaaway. Alam mo na. Kailangan may back-up ako. Mahirap na, hindi ko teritoryo 'yun."
"Poopie..."
"Poopie, joke lang 'yun. Ano ka ba? Syempre di ako makikipag-away dun noh! Gusto ko lang talaga may kasama ako habang nanonood sa 'yo. Para naman meron akong ka-high five 'pag nakashoot ka. Kaya please hayaan mo na lang na kasama si Ven at Martin. At isa pa. Gusto ko magfocus ka sa game n'yo. Ayaw ko naman 'yung susunduin mo pa ako sa school tapos magmamadali tayong bumalik sa school n'yo in time for the game."
"Eh pero Poopie..."
"Poopie, I am doing this for you. Gusto ko maging super galing ka d'yan sa game mo. Kaya please..."
He let out a sigh and said, "Sige na nga. Basta promise you will be there on time ha."
"Promise, Poopie."
It was sportsfest week at their school. He's part of their college's basketball team. Ito na ang finals and their team will play for the championship. He wanted me to watch him play para daw mas lalo s'yang ma-inspire.
I said before that he has always wanted to play pro basketball in the future. Isa nga sa mga rason kung bakit sa school na 'yun n'ya piniling mag-aral ay dahil maganda ang basketball program nito at kilala ito for being one of those really good schools in collegiate basketball. But somewhere along the way, I guess he realized he didn't really wanna play. Nagseryoso s'ya sa pag-aaral and from what I've been told ay palagi na s'yang nasa dean's list ngayon. Pero kahit na hindi s'ya natuloy sa paglalaro ng basketball ay dito na lang sa ganito s'ya sumasali. Once a player, always a player.
********
Halos puno na ang gym nila nang dumating kami doon. Pero agad naman kaming nakahanap ng vacant seats sa third row, bandang kaliwa ng bench nila Poopie. Kahit nakatalikod ay alam na alam kong s'ya 'yun. At kahit nakatalikod ay gwapo talaga s'ya. I really wouldn't be surprised kung makahanap ako ng fans n'ya dito sa game na ito.
