All the Drama

1.2K 50 20
                                    

"Poopie, talk to me. Anong problema?" I said as I rocked and rubbed his back.

"Bakit ganun, Poopie?" he said in between sobs.

"Anong nangyari? Please tell me. Sinong nagpaiyak sa 'yo? Sinong may gawa nito sa 'yo? Sabihin mo sa akin."

"Poopie, bakit n'ya kailangang manloko?"

Nang narinig ko ang salitang 'manloko' ay kumulo agad ang dugo ko. Oras na malaman ko kung sinong babae ang nanloko dito ay susugurin ko. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao. Walang pwedeng manakit ng ganito sa Poopie ko!

"Sinong nanloko sa 'yo, Poopie? Sabihin mo sa akin."

He sat up straight and looked at me. "Si Dad, niloko n'ya si Mommy. Meron s'yang ibang babae."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Mas masakit pa pala kaysa sa iniisip ko ang nangyari sa kanya. Si Ninong Ramon ang pinakamabait na amang nakilala ko, that is bukod kay Daddy. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na gagawin n'ya ang ganito. In my eyes, he's a perfect husband and father. Ngayon ay hindi ko na alam.

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Mommy knows about it. Last night they talked to me. They have decided to separate."

"What? But they're happy together. You have a happy family."

"'Yun din ang akala ko. Pero matagal na palang may iba si Dad at nahuli s'ya ni Mommy. She wants the separation."

"Anong sabi ni Ninong? Baka naman napagkamalan lang ni Ninang na may ibang babae si Ninong."

"Umamin s'ya, Poopie. Inamin n'ya na meron s'yang ibang babae. I can see how hurt Mom is. Sabi n'ya she cannot stand to be near Dad and he wants him out of the house."

"Poopie..."

"Akala mo you have the most perfect life pero pwedeng palabas lang pala lahat 'yun. He hurt my mom. He doesn't deserve him. I hate him!"

"Poopie, 'wag ganyan. Kausapin mo muna ang daddy mo. Mag-usap kayo na kayong dalawa lang. Baka sakaling maintindihan mo s'ya kung bakit n'ya nagawa 'yun."

I can't believe I am actually saying this to Grant. Kanina I was so ready to attack whoever hurt him pero ngayon parang ako pa ang nagpupush na magkaayos sila. What is wrong with me?

"I don't need his explanations. He did what he did at mali ang ginawa n'ya. Sinaktan n'ya ang pamilya n'ya. No explanations can ever reverse that." He wiped his tears away and continued on to say, "I swear I will never be like him. Hindi ako magpapaiyak at manloloko ng babae."

"Oo naman, Poopie. Hindi ka magiging katulad n'ya kasi you treat me so well kaya alam kong ganyan ka din sa magiging girlfriend at asawa mo," I said to calm him.

We fell silent for a few minutes before he finally said, "Halika na. It's getting really late. May pasok ka pa bukas. Ihahatid na kita sa inyo."

Hinatid n'ya ako hanggang sa front door namin. When I faced him to say good night ay nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata n'ya. At sa totoo lang nasasaktan din ako para sa kanya. They are also my family kaya apektado rin ako sa mga pinagdadaanan nila. Naisip kong kailangan kong gumawa ng paraan para matulungan si Grant sa difficult time na ito - katulad ng pagtulong n'ya sa akin nung ako naman ang nalulungkot.

"Poopie, hanggang anong oras ang pasok mo bukas?" I asked.

"I don't feel like going to school. Baka mag-absent muna ako."

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon