Back at One

1.2K 71 57
                                    


 

 

 

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak. At habang umiiyak ay pasilip-silip ako sa phone ko, hoping that he would send a message or give me a call. Oo na, ang tigas na ng mukha kong maghope ganung ako naman ang may kasalanan. Pero hindi ko kayang tawagan s'ya only to be rejected. Mas lalong sasama ang loob ko sa sarili ko. Hindi ko na 'yun kakayanin.



Pagkagising ko ay humarap ako sa salamin at napansin kong bakas sa mukha ko ang pag-iyak na ginawa ko. Ikaw na ang may namamagang mata at eye bags na kasinglaki ng pandesal. Idagdag mo pa ang barado kong ilong. Malamang hindi ako tantanan ni Mommy hanggang malaman n'ya ang buong kwento kung bakit ako nagkaganito.




"You're a mess. Anong nangyari sa 'yo, Anak?" she said when she saw me at breakfast. "Umiyak ka ba? Bakit? Nag-away ba kayo ni Cody? Matagal ko na s'yang hindi nakikita ah."



Jusme! Ganon na pala talaga katagal na hindi kami nakakapag-usap ni Mommy. Ancient history na 'yung kay Cody pero di ko pa rin pala nasasabi sa kanya.



"Mommy, nagbreak na po kami ni Cody. Medyo matagal na po. Dalawang buwan na po 'ata."



"What?" Tumayo s'ya mula sa kanyang kinauupuan at tumabi sa akin. "Anak, I'm so sorry. Sorry kung wala akong masyadong time para sa 'yo. Hindi ko man lang ikaw naalalayan sa panahon na 'yun."



"Okay lang po, Mommy. Masakit po pero I'm doing okay."



"So bakit ka umiyak?"



"Si Grant po."



"Nag-away na naman kayo?"



'Eto na naman po ang mga luhang nagbabadyang umagos. "Nahuli ko po kasi 'yung girlfriend n'ya na may kasamang iba eh pero hindi ko sinabi sa kanya dahil pinagbantaan ako nung babae. Natakot lang po ako."



"Pinagbantaan ng?"



At this point wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanya. Kahit ayaw kong ikwento lahat ay hindi pwede. Lahat ng nangyari in the past weeks led to this moment.



After my lengthy story, my mom said, "So si Martin pala ay parang manliligaw mo. All the while I thought he was just a friend."



"Mommy, I never considered him that. Kaibigan ko lang po s'ya."

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon