Ilang linggo ko ring tiniis ang guilt na nararamdaman ko dahil sa sitwasyon namin ni Cody. Oo, alam ni Grant ito. He knows how bad I feel about it. But the greatest thing about having him for a boyfriend is him being beside me to understand me and my emotions and help me get through it.
Paano s'ya nakatulong sa akin? Grabe lang. Sinong boyfriend ang magtitiis sa kaartehan at mood swings ng girlfriend n'ya dahil sa ex n'ya. Kung ibang lalaki lang 'yun malamang hiniwalayan na ako. Alam n'yo 'yung meaning ng understanding? Grant way over and beyond that word. Hindi ko talaga alam kung saan niya kinukuha ang patience to put up with me. At dahil sa presence and sweet ways n'ya, unti-unti ay nakalimutan ko ang masama. Unti-unti ay natuon ang lahat ng atensyon ko sa kanya... at sa kanya lang. At unti-unti I was able to give my whole self to him. Wait, wait! Baka kung anong iniisip nyo ha... hindi my whole self like that. Ang ibig kong sabihin ay lahat ng pagmamahal, attention, emotion, concern, etc.
Anyway, now I can say I'm better. I remember the boy but I don't remember the guilt feeling anymore. All is good and bright and sunny again.
At katulad ng lahat ng bagong relasyon ay naging masaya kami sa piling ng isa't isa. Alam n'yo 'yung pakiramdam na wala kayong nakikitang iba kundi ang isa't isa? 'Yung feeling na gumaganda ang paligid kapag kasama mo s'ya.... lahat maganda, walang pangit.
Noong bestfriend ko pa lang s'ya ay ramdam ko na ang care n'ya para sa akin. It's like he always has my welfare at the top of his priorities. At first akala ko ay dahil lang nangako s'ya kay Daddy na aalagaan n'ya ako pero ngayon naniniwala akong he took extra care of me because of that promise and because of something more. Ngayon mas lalo kong napagtatanto why he's always been like that towards me.
Just like before, we saw each other everyday. After class n'ya ay dumederecho na s'ya sa bahay namin. He eats dinner with us all the time, which is very much okay with Mommy and Ninang Vida, because they know that he's not doing any hanky-panky. Alam nilang nagpapaka-good boy s'ya kaya mas napapanatag si Ninang Vida.
********
"Ninang, pwede ko po bang isama si Poopie this Saturday? Wedding po ni Ate Meg. I'll bring her as my date," he said at dinner one night. Si Ate Meg ay pinsan n'ya sa father side. Nung mga bata pa kami ay madalas magpunta ang family nila dito. Minsan pa nga ay nagbabakasyon s'ya sa bahay nila Grant.
"Si Meg, ikakasal na?" sabi ni Mommy.
"Opo."
"Sinong mapapangasawa n'ya?"
"'Yung boyfriend po n'yang doctor. I'm not sure if you've met him but he's a good guy. Bagay po sila. Brat si Ate Meg at spoiler naman po si Lyndon."
Now, why does that sound slightly familiar?
"Hindi naman brat si Ate Meg ah," I reacted.
"No? Let's see... uhm... Lyndon waits on her hand and foot, he follows her around all the time, he needs to make time for her or else all hell will break lose..."