Epilogue

1.4K 71 72
                                    



I know I said I wouldn't care if he left. I am a liar... a very big liar. Walang araw na nawala s'ya sa isip ko. Everyday I think about him. Everyday I pray that he would call me or just even send me a message. Araw-araw ko ring tinitignan ang Facebook account n'ya para malaman kung kamusta na s'ya. Kaya lang hindi pa rin enough para sa akin na nakikita ko lang na nakangiti s'ya sa pictures. Gusto kong marinig. Gusto kong malaman mula sa kanya na namimiss n'ya rin ako katulad ng pagkamiss ko sa kanya.


Aaminin ko na ngayon na mali lahat ng sinabi ko noon. Kung kailangan kong kainin lahat ng 'yon ay gagawin ko just to hear his voice again. I thought I can stay mad until I can forget about him but the simple reality is I simply can't. My life just isn't the same without him.


A month after he left ay hindi na ako nakatiis. Nag-isip ako ng paraan para magparamdam sa kanya na hindi masyadong halata. Kahit na gustong-gusto ko na s'yang makausap ulit ay I still gotta keep my pride kaya hindi ako direktang magpaparamdam sa kanya. This is how Clarq rolls. Ang naisip ko lang ay isang medium na alam kong mapapansin n'ya na hindi kailangang direct ang pagcommunicate ko – Facebook status. I typed in something that I found in Google: Just because I don't talk to you, doesn't mean I don't miss you.


I stared at the screen of my smart phone for a while, as if hoping something magical would happen, before finally putting it down. It's getting late. Itutulog ko na lang ito. Baka sakaling bukas o sa mga susunod na araw ay may magandang kahihinatnan ito.


I was already half asleep when I heard my phone ring. Kinapa ko kung nasaan ang telepono ko and swiped the screen. Ni hindi ko man lang nakita kung sino ang tumatawag.


"Hello?" I sleepily answered.


"I miss you, too."


My head shot up, my heart skipped a beat and I suddenly had goosebumps. OH – MY – GOSH! I know this voice. I am so familiar with this deep voice. Natahimik ako hanggang sa hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako.


"Poopie, bakit ka umiiyak?"


"Ikaw kasi eh," ang ngawa ko na parang bata.


"Ha... ha... ha!"


"Bakit ang tagal mo bago tumawag?"


"Akala ko kasi ayaw mo na talaga akong makausap. I love you, Poopie. Miss na miss na kita."


And with those words, all the hurt and anger were washed away. Ganun pala talaga 'pag mahal mo ang isang tao, nagagawa mong mapatawad at makalimutan ang lahat ng sama ng loob mo sa kanya sa isang salita lang.


"Bakit hindi ka na nagsalita d'yan? Hindi mo na ako love? Wala bang I love you, too?"


Pero syempre dahil si Clarquin Salazar ito, magpapakipot muna ako. "Tse! I love you I love you ka pa d'yan tapos nang-iiwan ka naman sa ere. Atsaka paano ka naman nakakasigurado na namimiss din kita?"

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon