Reunited

1K 65 25
                                    



We were literally out of breath because of that kiss. Naghiwalay kami nang may ngiti sa aming mga labi.


"Night Poopie," he sweetly said and slowly backed away.


Ganun lang 'yun? After akong halikan nang ganun eh mag-gugoodnight at aalis na? Pero ano ang dapat kong gawin? Hahabulin ko?


"G - good night. Ingat ka, Poopie."


Before he got inside his car, he gave me another smile. I then watched him drive away. So 'yun na talaga 'yun? Talagang nagkiss lang tapos umuwi na? Waaaah! Oh my goodness! What was that about?


Nakahiga na ako sa kama, nag-iisip pa rin ng tungkol sa mga nangyari kanina, nang narinig kong tumunog ang aking phone.


"Hi Poopie!" he greeted. He seemed to be in a really good mood. Parang walang hesitations, hindi nahihiya... parang walang nagyari kanina.


"Nasa bahay ka na?" ang sabi ko naman. Ang boses ko ay kalmado pero ang totoo ay ang lakas ng tibok ng puso ko.


"Yeah. I just got in."


"That's good."


"Matutulog ka na ba?"


'Eto na 'yun! Ito na ang The Talk na kanina ko pa hinihintay. At 'eto na po ang puso ko... mas lalong lumakas ang tibok.


"Nakahiga na ako pero nagpapaantok pa ako. Bakit?" Hindi ako nagpapalusot ha. Hindi pa talaga ako makakatulog dahil sa mga ganap.


"Pwede ba tayong mag-usap muna?"


"Sige. What about?" ang cool pa ng pagkasabi ko.


"About the kiss."


Okay, please be still my heart. Moment of truth. "Yeah. We should talk about it."


"Sorry."


Ano?! Sorry?! Sorry para saan? Sorry because he kissed me? Nagsisisi na s'ya na hinalikan n'ya ako?


He continued on, "Sorry kasi I didn't say anything after we kissed. Sorry kasi iniwanan kita doon just like that. To be honest ay nagulat din ako. It happened and I didn't know what to say next. You're probably mad. Pero kahit magalit ka sa akin ay I don't regret doing what I did. Kanina habang pauwi ay iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. I wanted to go back so we can have this talk pero sabi ko siguro tama rin to give you time to process it."


"Hindi naman ako galit eh. I am confused, though."


"Which part is confusing you?"


"Why did you kiss me? What was it for?

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon