When You Walked In

1.1K 58 14
                                        





Magkasabay kaming pumasok ni Cody this morning kaya naman I felt like I was on a high. I was like gliding across the hall on my way to our classroom.



Pumasok ako na may malaking ngiti. At bitbit ko ang ngiti na 'yon hanggang makaupo ako sa designated seat ko. I was in a very good mood and it really showed because I even got a perfect score on our pop quiz. Iba na talaga kapag inspired.



For our next subject, we have to transfer to another classroom. Sumabay ako sa ibang girls sa class namin papunta doon. But my luck immediately ran out kasi malayo pa lang ay may naaninagan na akong asungot sa buhay. Nakatambay sa labas ng classroom nila ay si Martin at ang iba pa n'yang kaklase. Sinabi ko na agad sa sarili ko na hindi ko s'ya papansinin kahit batiin pa n'ya ako. I will just pretend that I didn't hear him.



I started to pick up my pace when we got near them.



"Una na ako sa inyo ha. May kailangan pala akong itanong kay Kris bago dumating yung next prof," I told the person I was walking with.



"Sige lang," ang sagot naman n'ya.



Hindi ko alam kung paano nangyaring bigla na lang nandun si Martin sa harap ko kaya nagkabanggaan kami. Dahil medyo malakas ang collision namin ay napaurong ulit ako sabay hulog ng bag at ilang books ko sa sahig. This irritated me to the highest level.



"Ano ba?! Bakit ka biglang humarang?" ang malakas na sabi ko habang pinupulot ang gamit ko.



Lumuhod din s'ya at tinulungan ako. "Bakit ka nagmamadali? Iniwasan mo ba ako?"



"At bakit naman kita iiwasan? Ano ka ba sa buhay ko para maapektuhan ako sa presensya mo?"



"Wala pa pero sisiguraduhin ko na meron."



Bwisit talaga! Kung gaano ako kasaya kanina ay s'ya namang sobrang kabaliktaran ngayon.



"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" I asked.



"Di ba sabi ko sa 'yo na may papatunayan pa ako."



"Clarq okay ka lang?" Jeffrey, one of Cody's teammates, asked.



Ito na ang nakita kong chance para makatakas kaya tumayo ako agad. "Okay lang Jeff. Nagkabanggaan lang kami ni Martin."

Each Day with HimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon