That same night we told my mom that he will be my prom date. Natuwa naman ang nanay ko kasi kilalang-kilala n’ya ang magiging ka-date ko. Nang makauwi na si Grant ay tinanong agad ako ni Mommy kung ano ba daw ang meron sa amin ni Grant.
“We’re still bestfriends Mom,” ang sagot ko.
“Sigurado ka? Walang pinagtatapat si Grant sa ‘yo?”
“Mommy matagal na po kami nagkakaintindihan.”
“Nagkakaintindihan? So may mutual feelings kayo for each other? Alam mo anak hindi ako tututol kung…”
“Mommy matagal na po kaming may understanding na bestfriends lang kami at never magiging kami romantically. Kaya please lang po ay ‘wag na kayo umasa.”
“Hindi naman sa umaasa pero para ko na ring anak si Grant kaya kung may gugustuhin man akong lalaki para sa ‘yo, syempre s’ya na ’yun.”
“Well, so sorry to disappoint you but it’s not gonna happen.”
“Okay, whatever you say. So, when do you want to go shopping for your prom dress?”
That night was the first and last time that my mom and I talked about that topic but I don’t think the idea ever left her mind kasi there was one time na parang narinig kong nag-uusap sila ni Ninang Vida about it. Pero that story is for another chapter.
********
Kahit gabi-gabi kaming nagkikita ni Grant sa tree house ay hindi naman namin ulit napag-usapan ang prom. Hindi naman din kasi ako masyadong obsessed doon eh so it’s not like we should keep talking about it. I don’t even remember us talking about our clothes kaya hindi ko alam kung magiging color-coordinated ba kami o ano. I guess ang importante ay malinaw sa amin na kami ang magkasama.
“Anak, are you ready?” ang tanong sa akin ni Mommy.
It was finally our prom night. Kanina pa ako di mapakali. Hindi ko alam if I dreaded this night or was super excited about it. Dreading kasi first time makikita ng buong 3rd and 4th year student body na magkasama kami ni Grant. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng fans club n’ya. Pero may parte sa akin na medyo excited kasi first time kong pumunta sa ganitong school activity at isa pa sa mga pinakasikat na lalaki sa buong eskwelahan namin ang kasama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/28296283-288-k388612.jpg)