"So how was the movie?" Martin asked during lunch.
"Okay naman," I simply replied.
"So kelan pa naging kayo?"
Wow, ang ganda ng segue ah! Wala man pasantabi, agad-agad makikichika na. Amazing!
"Just that day."
"Talaga? You looked like you've been together for a while."
"Martin, magbestfriends kami before this so kung titignan mo ay matagal na talaga kaming magkasama."
"Okay. How is it being with your bestfriend?"
"Okay naman. I mean nothing much has changed. Ilang araw pa lang naman kami officially together so kung may magbabago man ay hindi pa namin ramdam ngayon."
"You guys really talked about this, huh?"
"What do you mean?"
"You've been bestfriends all your life and now your relationship is in a different level. Napag-usapan n'yo ba ang tungkol sa friendship n'yo? Like what if this doesn't work out, will you still be friends? Alam mo na, yung mga ganyang bagay."
Bigla akong napaisip doon. May point si Martin pero kung titignan mo ay wala namang sense na pag-usapan namin ni Poopie ang mga ganitong bagay kasi nga we feel that it is time to take the friendship to the next level. Sa puntong ito pareho na kaming pareho ang nararamdaman. Hindi lang s'ya... pareho kami. In a relationship, your ultimate goal is to be together for the rest of your lives. So why in the world should we talk about what would happen to us if we broke up? Ano kakasagot ko lang sa kanya tapos iisipin na namin agad ang break-up? Para lang kaming shunga di ba? Eh di sana pala hindi lang naging kami kasi nasa isip naman pala namin ang paghihiwalay.
Hindi na ako nakasagot kay Martin dahil dumating na si Venice.
"Huy Martin! Di ba kilala mo sila? Di ba classmates mo sila sa unang section mo?" Ven said when she sat beside me.
Napalingon kami lahat sa isang table na di kalayuan sa amin at doon ay nakita kong biglang nag-iwas ng tingin ang isa sa mga lalaking nakatingin sa amin. It was Jeff, Cody's friend and old basketball teammate.
"Oo, kilala ko sila. Bakit?"
"Parang ang weird lang ng tingin nila sa inyong dalawa kanina. Parang may pinagdududahan sila sa inyo. Alam ko na! Siguro akala nila kayo na. Ganun kasi ang itsura n'yo eh, mukha kasing serious ang pag-uusap n'yo."
"Serious lang mag-usap pagdududahan nang kami? Ano ba 'yun?" I said.
"Ewan ko. I'm just saying."
I didn't realize that that simple comment Venice made would have any weight. But now that I am having this conversation with Cody, everything I saw that afternoon made some sense. You know that light bulb moment? This was definitely it.
![](https://img.wattpad.com/cover/28296283-288-k388612.jpg)