Getting Noticed

1.3K 69 26
                                        

The ripples of the prom shock were still being felt until 2 weeks after. Ibang klase talaga ang social influence ng Poopie ko. Feeling ko everybody knew me already. Even students of the lower batches started talking about me. Pati members ng fans club ni Grant sa first and second years ay nakikipagkaibigan na rin sa akin.

Kami ni Grant ay nagsimula na ring magpansinan talaga sa school. Nilalapitan na n'ya ako ngayon kapag nasa loob ng campus. There are even times na sinusundo n'ya ako sa classroom after the final bell at sabay na kaming sasakay sa school bus. Oh yes, kahit matanda na kami ay nakaschool bus pa rin kami. 'Yan ay dahil sa mga magulang namin.

Pero ang cherry on top of my third year life ay nang lapitan ako ni Cody Santillan, the heir-apparent to Grant Rodriguez's throne.

"Hi Clarquin!" ang pa-cute na bati n'ya sa akin.

Kilala na n'ya ako kasi isa s'ya sa mga kasama namin ni Grant during the whole prom, s'ya at ang iba pang basketball jocks.

"O! Hi Cody!"

"May kasama ka ba?"

"Wala. Hinihintay ko si Grant. Sabay daw kami uuwi. Pero wala pa s'ya eh. Nanchichicks pa siguro. Ha... ha... ha!"

"Pwede ba kitang samahan habang hinihintay s'ya?" I looked around, which he noticed. "Anong hinahanap mo? Bakit ka tumitingin sa paligid?"

"I just wanna make sure na walang babaeng bigla na lang sasabunot sa akin 'pag pinaupo kita sa tabi ko."

"Ha... ha... ha! You're funny!"

"Aba, mabuti nang sigurado. Ayaw kong masira ang inaalagaan kong buhok nang dahil lang sa 'yo. No offense pero hindi tayo close kaya you're not worth it."

He laughed harder which made me notice his perfect set of pearly whites. Ang gwapo rin pala talaga ng taong ito. I mean mas gwapo pa rin si Grant. Hello, sino ba naman ang makakatalo sa kagwapuhan ng Poopie ko? Pero si Cody medyo iba ang dating n'ya kaysa kay Grant. Mas kayumanggi lang ng kaunti si Cody. Matangkad din s'ya, matangos ang ilong, with deep set brown eyes and cute smile. Mukhang maganda rin ang katawan n'ya and I can just imagine na meron din s'yang killer abs like Grant. From what I've heard he will be the next team captain of the varsity basketball team when Grant graduates. Marami ding nagkakagusto sa kanya kasi bukod sa pagiging basketball star ay matalino rin ito at masipag mag-aral. Hindi katulad ni Grant na medyo tamad mag-aral buti na lang ay likas na matalino rin kaya hindi bumabagsak sa klase.

"Walang mananakit sa 'yo at sisiguraduhin kong wala."

"Wow naman! Bodyguard lang ang peg. Sige na nga, umupo ka na," I said as I moved to give him space on the bench.

"Matagal na ba kayong bestfreinds ni G?"

"Oo naman. Poopie and I grew up together."

"Poopie?"

"Ay shucks! Sorry! 'Wag mong ipagkakalat na 'yun ang tawag ko sa kanya ha. Secret lang natin 'yan. Baka patayin ako ni Grant 'pag nalaman n'yang may pinagsabihan ako dito sa school."

"Talaga palang close kayo 'no?"

"Yeah. Our moms are bestfriends, too. Magkatabi lang ang bahay namin kaya magkaibigan na kami simula bata pa kami. He's like a big brother to me. He's been taking care and protecting me ever since my dad died."

"I'm sorry to hear about your dad."

"That's okay."

"Malalim pala talaga ang history n'yong dalawa."

"I know. Sa sobrang lalim ay minsan naghahalo na ang laway namin dahil pati 'ata straw sa inumin ay shineshare namin sa isa't isa. Kaya nga kahit na may ibang friends ako, he's the only one I consider my bestfriend. Lahat alam n'ya about me."

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon