"Hi Poopie!"
Pagdating ko sa bahay ay nandun na si Grant. Nakatayo s'ya sa harap ng main door nila when he greeted me. Ganun ba ako ka-preoccupied kaya hindi ko man lang s'ya napansin?
"Hi Poopie! Kanina ka pa dumating? Bakit ang aga mo yata?"
"Morning lang ang classes ko 'pag Mondays at hindi pa naman regular ang classes. Halos walang prof na pumasok. Kaya umuwi na lang ako."
"So how's college life?"
"I can't tell yet. First day pa lang at wala namang nangyari sa akin kanina."
"May mga friends ka na ba?"
"Nakilala ko naman na 'yung mga kaklase ko."
"And?"
"And what?"
"Meron ka bang magandang classmate?"
"Hmmm... let me think."
"Asus! Kunwari ka pang hindi mo pansin pero I'm sure pagpasok mo pa lang ng classroom eh 'yun agad ang hinanap mo."
"Well, meron namang maganda sa class namin pero hindi sila pumapantay sa kagandahan mo eh," he said with a smirk.
"Bwisit! Bwisit ka talaga!"
"O bakit?"
"Nang-aasar ka na naman."
"Ano naman ang pang-aasar dun? Mali ba 'yung sinabi ko?"
"Ewan ko sa 'yo. Bad trip ka talaga! Magbibihis muna ako," I said then turned my back on him.
Narinig ko pa s'yang sumigaw ng, "Labas ka ulit ha. Hintayin kita sa tree house."