Need for a Hug

1.1K 53 33
                                        

 

 

 


Today is the last free Saturday for Cody. Next week kasi ay simula na ng basketball season nila and even on Saturdays ay may practices sila. I wanted to just relax and spend time with him kaya I invited him over to have lunch with us. Mom, who thinks this is a special lunch, cooked kaldereta because it's my absolute fave.



"Tita, ang sarap po ng kaldereta n'yo," Cody said.



"Thank you, hijo."

 

 

"Akala ko po 'yung yaya na namin ang pinakamagaling magluto ng kaldereta, meron pa po palang iba. Alam mo Tita, ultimate favorite ko ito."



"Really? Eh di pareho pala kayo ni Clarq."



He looked at me with a huge grin and I smiled back. "Bagay talaga tayo," he blurted out.



That's what I so love about him. Hindi s'ya nahihiyang sabihin ang nararamdaman n'ya o kung ano man ang gusto n'yang sabihin kahit sa harap ng ibang tao. I don't think it's being mayabang or over confident. Para sa akin it's being expressive.



Ang nasabi ko na lang ay, "I know."



After lunch, Mom said she has to go out to meet a friend kaya naiwan kami ni Cody sa bahay with Manang. Pero bago s'ya umalis ay binilinan n'ya kami to behave... whatever that means.



"You wanna go to the tree house?" I asked him.



"Tara."



This time s'ya naman ang naunang umakyat. Eh kasi naman masyado akong nagmaganda, I wore a skirt today. Kung ako ang unang aakyat ay alam n'yo na ang pwedeng mangyari. When he got to the top, ako naman ang nagsimulang umakyat. He held out his hand to help me up. I took it kahit na sampung milyong beses na akong nakaakyat sa tree house na ito na walang tumutulong sa akin. At kahit siguro  nakapikit pa ay makakarating ako sa taas na walang hassle.



"Thank you," I said with a pa-cute smile.



Naupo kami sa seating area namin. "Anong gagawin natin dito?" he suddenly asked.



The last time we came here flashed before me. Oh my, that almost kiss! Baka isipin n'ya kaya ko s'ya inaya dito ay dahil gusto kong ituloy kung ano man ang naudlot.

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon