Magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang papunta sa kotse n'ya. On the way ay may nakikita pa rin kaming bumabati sa kanya at hanggang sa parking space n'ya ay meron pa rin, katabi n'ya sa parking ang ibang teammates n'ya.
"Kaya naman pala sobrang galing sa game kanina kasi inspired, may nanonood pala," ang tukso nung isa.
"Hindi mo ba kami ipakikilala sa girlfriend mo? O baka naman younger sister mo pala s'ya Grant," sabi naman nung isa.
"Yeah you wish kapatid ko s'ya para mapormahan mo. Guys, girlfriend ko, si Clarq."
"Clarq as in Clark Kent?"
"Hindi. Clarq as in Clarquin," I replied.
"Bro, pretty na ang girlfriend mo unique pa ang pangalan. Saan ba nakakahanap ng katulad n'ya? Dalhin mo naman kami o. Baka sakaling maging kasing galing mo din kami maglaro."
"Saan ko s'ya nahanap? Sa bakuran namin, childhood bestfriend ko."
"Punta nga tayo sa bahay n'yo at makapaghanap sa bakuran n'yo baka meron pa."
"Mga gago! Tigilan n'yo nga ako. Ang dami d'yan sa loob ng building natin. Isa-isahin n'yo 'yung classroom. Sige una na kami."
Kanya-kanya sila ng version ng ingat at bye Clarq. Ako naman ay nagpaalam na rin.
"Mababait 'yung friends mo 'no at mga kwela," I said when we were both already inside the car.
"Naku Poopie, don't be deceived. Matitinik 'yan sa mga chicks. Kaya siguro wala pang matinong girlfriend kasi panay ang pakikipagfling."
"Buti na lang hindi ka ganun 'no?"
"Masyado akong tinamaan sa 'yo eh, wala sa sistema ko ang pakikipagfling," he sincerely said.
Wow! Kelan pa naging ganito ang tabas ng dila nito? Hindi ko namalayan 'yun ah. Pero okay lang. This came as a surprise at mas nakakakilig.
"Anong tawag mo kay Leigh?"
"Hmmm... a stumbling block? My moment of temporary insanity? A blessing in disguise?"
"Blessing in disguise? Kelan pa naging blessing ang isang demonyita?"
"Kung hindi nangyari ang mga nangyari ay hindi tayo magkasama ngayon. Wala ka dito sa tabi ko. At hindi ko mahahawakan ang kamay mo ng ganito," he said slowly while carefully reaching out for my hand.
Eeeeeh... kinikilig ako!. Enebeh!
"Wuuushuuuu, akala mo naman hindi n'ya hinahawakan ang kamay ko noon," I joked to hide the giddiness in me.
