End of Our Story (Part 2)

1K 62 28
                                    



"Alam ba ni PSG Grant na aalis ka kasama namin?" ang tanong ni Venice sa akin.


PSG as in 'yung bodyguard ng mga presidente, 'yan ang tawag ngayon ni Ven kay Grant. Lately kasi ay closely monitored lahat ng galaw ko. Kung saan ako pupunta, sino ang kasama ko, anong gagawin ko – lahat 'yun ay inaalam n'ya. He's busier than ever kaya minsan na lang kami kung magkita. At kahit na labag sa loob n'yang lumabas ako na hindi s'ya kasama ay hinahayaan nalang din n'ya ako, para lang wala nang away, but in return ay kailangan kong magreport sa kanya.


At first okay lang naman ang arrangement pero dumating na rin ang point na parang naging independent na ako and that sometimes I would fail to let him know my whereabouts. Kapag nauunahan ng tawag n'ya ang pagreport ko ay paniguradong umaatikabong init ng ulo ang kasunod. We've actually had a few fights about this.


"Oo, nagsabi na ako sa kanya."


"Good. Tapos pagdating natin sa party ay tawagan mo s'ya kaagad para hindi mag-alala."


Ano ba ito? Even my friends are affected by this stupid arrangement!


"Oo na," ang mataray kong sagot.


"Don't use that tone on me young lady," ang sermon ni Ven sa akin. "Iniisip ko lang ang kapakanan nating lahat dito. 'Pag hindi ka nagreport at tumawag s'ya sa 'yo ay malamang giyera na naman ang kalabasan n'yan. At 'pag nabad trip ka na eh most likely damay na din kami d'yan. Ayaw kong masira ang gabi natin pare-pareho dahil sa away n'yo."


Bigla namang sumabat si Martin, na tahimik lang nung una sa pagmamaneho, "Ven is right. Ayaw kong biglang may hihila sa akin at sasabihing uuwi na tayo. I wanna have fun tonight?"


"Have fun tonight eh kasama mo naman ang girlfriend mo," I said.


Oo naging sila na nga. Tignan mo nga namang tadhana. They've been in the same school since graders pero hindi nila napansin ang isa't isa but because of an unusual twist, they ended up being together... after all these years. Minsan talaga friendship has a lot to do with it.


"Bakit, hindi ba ako pwede mag-enjoy kasama ang girlfriend ko?" he countered.


"Ayan naman ang gusto ko sa 'yo eh, ang bilis mo kumambyo," ang banat naman ni Ven.


"So love mo na ako n'yan?" he said.


Ngayon alam ko na ang feeling ng isang third wheel. Kaya pala naiinis ang mga kaibigan ko noon. Nakakakilig pero kung wala ka naman kapartner ay nakakairita.


"O 'sya, s'ya! Hindi pa ako sanay sa mga ganyan n'yo kaya pwede bang hinay-hinay lang?" ang sabi ko naman.


In a few minutes ay dumating na kami sa venue ng party. It's a small restaurant, which our classmate's family owns. This is where she's holding her birthday party. Pagtungtong pa lang namin sa loob ay nakita na namin ang ibang kabarkada namin. Agad nila akong hinatak para kumuha ng drinks sa maliit na bar. Hindi ako sigurado pero parang narinig kong may sinabi si Ven tungkol kay Grant. I didn't understand what she said because the music was kinda loud.

Each Day with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon