Prologue

173 21 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.

©All rights reserved (AoNoIro 2021)

Nandito ka kasi wala kang jowa? Ok lang yan, hindi yan panghabang buhay, char.

Isang umaga habang naglilinis ako sa dati kong kwarto, ay nahalungkat ko ang ilan sa dati kong gamit. Karamihan doon ay ang gamit ko noong nasa highschool palang ako. Hindi ko inaasahang makikita ko ang isang pamilyar na kahon, may pagkaluma na iyon dahil nga sa tagal ng panahon ngunit lumilitaw padin ang ganda non. Kulay pula ito na may nakaukit na paruparo sa itaas.

Napangiti ako dahil akala ko ay nawala ko na iyon narito lang pala. Binuksan ko iyon at halos maluha ng makita ang mga mumunti kong laruan na medyo may kalumaan na din. Pitong taong gulang pa lamang ako ng ibigay sa akin ito nila Mommy at Daddy. Matinding paghanga ang aking naramdaman ng unang beses kong mahawakan ang kahon na ito, may laman itong maliliit na paruparo, ibon, at puno na palamuting laruan para sa isang doll house. Naroon din ang ilang pitsel, baso, pinggan at iba pang kagamitan sa bahay na sadyang napakaliit na para bang para sa mga maliliit na tao.

Inilabas ko mula sa kahon ang mga iyon, at wala sa sariling namamanghang tinitigan at hinawakan isa-isa na para bang iyon ang unang beses na mahawakan ko ang mga iyon, kahit na dahil lang sa panahon kaya ko iyon hindi nalalaro. Tinignan ko uli ang kahon para lamang mamangha muli, dahil nandon ang isa sa mga bagay na hindi ko inaasahang angkinin o itago. Ang isang kwintas ko ng paruparo na sira dahil naalala kong natapakan ko iyon dahil sa katatakbo at sa hindi inaasahang pagkakataon makikita ko ang isang may pagkaliit na litrato ng batang lalaki na halos ka edad ko lang din ng mga panahong iyon.

Ang cute niyang tignan, nakaupo siya sa park kung saan ako laging tumambay, sa may Rizal's Park. Dati'y puno iyon ng iba't ibang halaman at puno, may palaruan at tambayan din ngunit narenovate na iyon ngayon at sementong upuan, iilang halaman at mga puno nalang ang naroon.
Ang pogi niyang tignan sa checkered blue polo niya na sinamahan ng black na shorts at rubber shoes, may sumbrero siyang suot na kulay asul din at may nakalagay na A sa gitna. Nakangiti siya ng todo habang nakaharap sa camera. Pulang-pula ang kaniyang labi at pisngi na bumagay naman sa maputing kulay niya. Itim na itim ang kilay at pilik mata na bumagay din sa singkit niyang mga mata.

Kung sino ka man hindi ko alam kung bakit ngunit sa mura kong edad ay naramdaman kong dapat ko itong itago, noon pa man ay hindi ko matanggal ang aking mga mata sa munti at luma mong litrato. Sino ka nga ba?

Tanong ko sa aking sarili habang titig na titig sa litrato talagang nakakagaan ng loob ang tignan ang litratong iyon. Tatlong araw palang ang nakalilipas ng matapos ang kasal ko sa aking pinakamamahal na asawa,bakit tila nagkakasala na agad ako? Hindi ko siya masisi kung magtampo siya bigla kaya inilapag ko muna sa tabi ng kahon ang litrato at dali dali kong dinampot ang ilan sa mga laruan kong nagkalat para sana ibalik iyon sa kahon ng, biglang may dumampot ng litrato sa tabi ng kahon at kinuha iyon, naiwan ko nga palang nakabukas ang pinto. Sa singsing na suot niya ay tila alam ko na kung sino ang may ari ng kamay na iyon, ANG AKING ASAWA!

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagulat ng makita ang tila kumikislap niyang mga mata at nakangiti niyang mga labi na umaabot hanggang tainga dahil sa sobrang lapad non!

"Hon, saan mo nakuha ito?" Nakangiti niyang tanong habang titig na titig padin sa litrato.

"A-ahh.... napulot ko iyon sa park noon... h-hindi k-ko alam kung s-sino iyan, basta ko nalang pinulot at itinago." Utal utal kong paliwanag, dahil baka galit lang siya kahit na nakangiti siya. Natatakot akong baka mag-away kami.

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ngumiti ng napakaganda, namamangha niya akong tinitigan saka nagsalita "Kakaiba talaga ang tadhana, dumaan ang napakaraming panahon, sakuna at problema ngunit heto't pinagtagpo padin tayo" makahulugan niyang sabi saka muling tinignan ang litrato, nangilid ang kaniyang mga luha saka niya muli ako tinignan. "Kung ganon ay una palang talaga ay tayo na ang para sa isa't-isa" nagtataka ko siyang tinitigan dahil wala talaga akong ideya sa mga sinasabi niya. "I was seven when Mom was taking pictures of me at the park with her camera" pagpapatuloy niya, at tila alam ko na ang pinupunto niya. Nagugulat ko siyang tinignan at saka parang maluluha na dahil sa mga pangyayari "Then, aksidenteng naihulog ni Mom yung ibang gamit sa bag niya dahil sa paghahalungkat, kasama don ay ang ilan sa mga litrato ko" tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "This was me when I was seven" nakangiti niyang sabi sabay taas ng picture niyang matagal kong naitago. Wala sa sarili akong napayakap sa kaniya sa kawalan ng masasabi at sa paghanga sa tadhana dahil sa mga pangyayari.

Hindi man inaasahan ang pinagmulan ng lahat, matatapos ito sa hindi rin inaasahang pangyayari....

 
Ito ang simula....

Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon