Chapter 17 (20 Chapters of Poetry)

8 2 0
                                    

Aestine's POV

"OII Aestine, maghanap ka nga ng mapapanood!" sigaw ni Ate mula sa kusina, nagluluto siya ng kung ano tapos nagbabasa naman ako dito sa sala.

Tumayo ako saka kinuha ang remote at binuksan ang TV "Sa Animax nalang may maganda don, yun na!" sigaw ko din, malakas padin ang ulan kaya nagsisigawan kami.

(Baka naaanuhan kayo saming magkapatid ehh, hindi naman kami nag-aaway)

"Sige sige" mabilis niyang nilabas ang kaniyang niluto.

Inilapag niya iyon sa mesa, sinilip ko naman, fries na..... "Magpriprito na nga lang gagawin mo, palpak pa ano bayan!" singhal ko

"Kaysa naman hilaw!"

"Tch! Edi tyansahin mo"

"Ikaw na sana nagluto, tuleg!"

"Pahingi nga" kumuha ako ng tatlo saka sumubo

"Kakainin mo din pala ehh nagrereklamo ka pa" bulong ni Ate sa sarili, inismiran ko nalang siya, tinutok ko ang buong atensyon ko sa panonood.

Wala padin sila Mama at Papa, may meeting sila Mama kanina kaya nauna na akong umuwi. Si Papa naman alas otso umuuwi, kaya dalawa palang kami ni Ate ang nandito.

Chesna's POV

Malamig, sobrang lamig pero kinakaya ko. Basang-basa ang katawan ngunit hindi ko iyon binibigyan pansin, dahil ang mga mata kong kanina pa namumula sa kaiiyak ay patuloy padin sa paglabas ng sakit.

Bumangon ako sa pagkakahiga ng marinig kong tumunog ang aking telepono. Basa iyon kaya pinunasan ko muna gamit ang likod ng aking palad. Ang numero ni Daddy ang bumungad sa akin, basa at nanginginig ang kamay ko itong sinagot.

:"Asan ka?" may bahid ng pag-alalang tanong niya mula sa kabilang linya

:"Dumalaw lang po ako kay Ading" basag ang boses kong tugon

:Bumuntong hininga siya bago muling nagpatuloy "Susunduin kita diyan ka lang" strikto ang boses nito at kapag ganito ang sitwasyon ay wala na akong magagawa

:"Sige po"tanging tugon ko saka pinutol ang linya

Nakaramdam ako ng papanakit sa ulo at pagkahilo, hirap man ay tumayo ako. Lumabas saka muling kinandado ang gate, minsan ko pa itong sinulyapan bago naglakad.

Iika-ika at gegewang-gewang nakakatawang isipin na ganon ang uri ng paglalakad ko ngayon. Lumalabo na at umiikot ang paningin ko sakto namang narinig ko na ang pagbusina ng paboritong kotse ng aking Ama. Dahil sa sobrang liwanag na ilaw na nagmumula sa kotse ay hindi ko na namalayan na natumba na pala ako.

"YAAAAAHH!!!" ANG pamilyar at malakas na sigaw na iyon ang gumising sa akin

Kusot-kusot ang matang bumangon ako "YAHH!! Ima sugu oki nasai!" napabalikwas ako ng tayo ng muli kong narinig ang mga salitang iyon.

Mga salitang palaging gumigising sa akin dahil parating na ang guro ko ngunit mahimbing pa rin ang tulog ko. Ang boses na matagal ko na ding gustong marinig kaso imposible na, pero ngayon ang saya ko dahil ginising ako uli non.

"Ate, wake up na!" hinila niya ang kamay ko, naluluha kong tinitigan ang maliliit niyang daliring nakahawak sa kamay ko. "Pede ba take care of yourself naman, your always sick!" galit ang tono ng boses niya pero natawa ako, ang cute kasi ng dating sakin.

Pinanood kong humakbang ang maliliit niyang paa. Hanggang sa abutin niya ang door knob para buksan iyon. Sumalubong ang napakaliwanag na paligid sa amin. Magsasalita na sana ako pero walang lumabas na boses, paulit-ulit kong sinubukan pero wala pa din. Hanggang sa humarap siya sa akin saka ngumiti ng malapad, ang mga ngiting iyon ang paborito hindi ako makapaniwalang nakikita ko muli iyon. Unti-unting nilamon ng liwanag ang paningin ko hanggang sa magising ako sa ulirat.

"Sigurado akong may nangyati na naman kaya siya lumabas ng walang paalam" boses ni Daddy ang agad na narinig ko

"Aba! Kung nahimatay man siya dahil sa gutom o ano, kasalanan niya na yon" sumbat ni Mommy

"Pwede ba kahit kaunting aruga lang!" galit na ng boses ni Daddy

Dahan-dahan akong bumangon, nakita ko si Mommy at Daddy na magkaharap halatang kagagaling lang sa away dahil sa emosyong nakikita ko sa mga mukha nila. Agad lumapit si Dad para alalayan ako, magkakrus ang braso namang lumabas si Mom sa kwarto.

Umupo siya sa tabi ko saka hinaplos ang buhok ko "Bakit ka na naman ba lumabas ng walang paalam" bumuntong hininga siya

"Sorry po" nakayuko kong tugon

"Buti nalang nakarating ako kaagad, kung hindi baka mas malala pa ang nangyari"

"Ayos naman po ako Daddy ehh, wala naman pong masakit" pag-amin ko

"Kahit na, hindi pa rin tama" strikto ang boses niya

"Hindi na po mauulit"

"Sige na kumain ka na muna, saka magpahinga ulit" hinagkan niya ako sa noo saka lumabas

Humiga akong muli, wala akong ibang ginawa sa hapong iyon kundi tumitig sa kisame. Lumalamig na ang pagkaing inihanda sa akin ni Daddy. Kumain ako ng kaunti saka nag-ayos, hinalungkat ko ang iba sa gamit ko na dala ang alaala ng nakaraan.

Painting ng kapatid ko ang una kung kinuha, sunod ang paborito niyang bola at ang paborito niyang polo. Ang liit na non at kung sa kasalukuyan amn ay nandito padin siya hindi niya na iyon kasya. Ang mga bagay na iyon ang palaging nagpapaalala sakin ng mga salitang iniwan niya, na nagbibigay lakas sa mahina kong puso.

Mabigat ang dibdib akong bumalik sa pagkakahiga saka muling tumitig sa kisame, inaalala ang pagpapakita niya sa akin sa panaginip. Pinapaulit-ulit ko sa aking isip ang panggigising niya sa akin. Kinabukasan kaya'y ganon ang bubungad sa akin? Dahil kung Oo paulit-ulit akong matutulog.

Past can really affect the present, the memories will always remain for the role of the past can create an impact in present and future.

To be continued.....













Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon