Dedicated to: Rizhell08
Aestine's POV
"I'm Chesna Blythe De Dios. Goodmorning" pakilala niya sa aming lahat, dati ko naman ng narinig ang pangalan niya, ngunit iba ang pakiramdam ko ngayon
"Chesna, may bakanteng upuan doon sa gilid doon ka muna pansamantala" suhestiyon ng aming guro na agad naman niyang sinunod
Hindi ako makapaniwala, nandito siya, nandito siya? Bakit kaya, at kaklase ko pa siya. Iniisip ko lang siya, biglang ganito na. Hindi ako makatutok sa lesson dahil panay ang sulyap ko sakanya, habang seryoso siya sa pakikinig. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin, tumigil lang ako ng pagbaling ko sa harap ay.....
"Mr. Ajero, nakakasunod ka ba?" Tanong ng aming guro
Nagsilungunan ang lahat sa direksiyon ko pati na rin si Chesna, na halatang hindi alam ang presensya ko, binaling ko sa harap ang aking atensyon "A-Ahh, opo Ma'am, pasensya na po" napayuko ako sa hiya, bumalik naman sa pagtuturo ang aming guro at nakinig na ang lahat
May kumalabit sa akin, si Nath "Kanina mo pa tinititigan yung trnsferee, tatlong beses kang tinawag ni Ma'am" sabi niya
Hindi ako makapaniwalang tinatawag na pala ako, tatlong beses pa "Ahh, mahabang storya, mamaya nalang" bulong ko, bumalik kami sa pakikinig, at hindi na din ako sumulyap pa kay Chesna
Natapos ang unang subject at tatayo na sana ako papunta kay Chesna ng biglang dumating ang susunod namin guro, nakakainis naman.
ENGLISH TIME
"What about Pisces, can you tell me the spelling of Pisces, Mr. Ajero?"tanong sa akin ni Ma'am, agad naman akong tumayo at ang lahat ay nakatingin sa akin, time to shine.
"P-I-S-C-E-S, Pisces" sagot ko
"Very good, Mr. Ajero as always" papuri niya sa akin, tumango ako saka umupo, tinignan ko si Chesna saka nginitian, tumaas ang gilid ng labi niya saka muling nag-iwas ng tingin
"Ms. De Dios, can you spell MISSISSIPPI for me? Missi-ssi-ppi" baling ni Ma'am kay Chesna na walang emosyong tumayo
"M-I-S-S-I-S-S-I-P-P-I" mabilis at sunod-sunod niyang sagot, halatang alam na alam na ito, nag-angat ng tingin si Ma'am sakanya sa deretso nitong sagot saka ito ngumiti, nanatili namang seryoso si Chesna saka naupo
"Next Mr. Min" tawag ni Ma'am kay Nathaniel
Tumayo si Nath, "Ma'am?"
"Spell, indig-nant" utos ni Ma'am
"U-Uhm, like angry, annoyed, and irate Ma'am?"
"Yes"
"I-N-D-I-G-N-A-N-T" alinlangang sagot niya
"Correct" papuri ni Ma'am
"Ms. Berdin" baling niya kay Jessica, si Jessica ang first honor sa section namin simula Grade 7, pero hindi kasing ganda ng grado niya ang ugali niyang, nagmamaliit at mayabang
Puno ng kompyansa siyang tumayo "Name it Ma'am"
Nangiti ang aming guro, batid kong alam niya ang kakayahan ni Jessica "Spell hack-neyed" utos nito
"H-A-K-N-A-D-E" taas noo nitong sagot
Bumuntong hininga si Ma'am "Wrong" walang gana niyang sabi
Kumurap-kurap si Jessica, halatang hindi namalayang mali pala siya "H-A-C-K-N-A-D-E" garalgal ang boses niyang ulit
Umiling si Ma'am "Wrong Ms. Berdin" muling sambit nito
"But Ma'am, that's what I know!" pagtatanggol niya sa sarili
"Spell it again then" muling utos ni Ma'am
"H-A......C-K....N-E-Y-D" nawala ang kaninang napakalas na hangin, lahat iyon ay napalitan ng pagkapahiya
Muling bumuntong hininga si Ma'am "Wrong" natahimik ang lahat, and dating pinakamagaling ay hanggang yabang nalang ba? "Sitdown Ms. Berdin" agad na naupo si Jessica "Everyone, let's talk about synonyms, I hope you study about words and spellings, it's so-----
"H-A-C-K-N-E-Y-E-D" napalingon ang lahat kay Chesna sa biglaang pagsagot niya, hinarap siya ni Ma'am saka namamanghang tinitigan ito
"Yes, that's correct! Very Good Ms. De Dios" papuri ni Ma'am, umawang ang labi ni Jessica, mukhang may kakompitensya na siya bukod kay Mart na nanahimik lang pero mas may ibubuga
Natapos ang pangalawang klase namin at recess na din sa wakas, nililigpit ko ang gamit ko ng....
"Are you strying to compete with me?"may bahid ng sarkasmo ang may ari ng boses, lumingon ako at, si Jessica nakatayo sa harap ni Chesna habang pinagkrus ang kaniyang braso kasama ang dalawa niyang alipores, tahimik na nakaupo si Chesna saka dahan-dahang nag-angat ng tingin kay Jess, seryoso ang mukha niya habang nagyayabang naman ang kay Jess "Nagpapasikat ka ba?" Ngisi ni Jess
"Cut it Jessica, leave her" pag-awat ni Mart, sanay na kami sa ugali ni Jess pero maling tao ang target niya ngayon
"What?" Kunwaring natatawang tanong niya kay Mary "Well, kinakausap ko lang naman siya" tugon nito
"You call that talking, huh?" hindi nagpatinag si Mart na agad namang nilapitan ni Nath, basta ko nalang nilagay ang gamit ko sa bag saka lumapit sa pwesto nila
"Get lost, will ya?!"sigaw niya sa mismong mukha ni Mart, nagtitimpi man ay hindi na muling nagsalita si Mart, ngunit alam kong handa siyang awatin si Jess kung sakali man na may masama itong balak "Now, for you" baling niya kay Chesna na hindi man lang natinag, nakaupo lang siya habang walang emosyong nakikinig "I have a question, spell anno-ying" tanong niya rito
Seryoso at tila napakabigat ang ginawang pagtayo ni Chesna, halos mapaatras sa takot si Jess dahil mas matangkad pala si Chesna sakanya "Y-O-U" dahan-dahan at mariin niyang sagot "YOU" paglilinaw niya pa, nilampasan lang siya ni Chesna na siyang ikinagulat niya, si Chesna palang ang naglakas loob na gawin sakanya iyon
Agad ko namang sinundan si Chesna, pinahanga niya ako. Palagi naman eh, una ko siyang makilaka, hanggang ngayon, hindi lang sa talento kundi pati na rin sa tapang nito.
"Ang tapang nung transferee nayon ah!"dinig kong sabi ni Nath nakasunod sila ni Mart sa akin, napangiti naman ako sa kawalan
"That was sarcastic....and amazing" natatawang sabi ni Mart
Now I realized that maybe I don't know anything about you. Is this what a masterpiece seems like?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...