Chesna's POV
"Chesna.... Chesna....Chesna" maingat na pag-uga sa akin ni Aestine
Marahan akong nagmulat ng mata saka iyon kinusot na parang bata, napabalikwas ako ng bangon ng mapagtantong nakasandal ako sakanya at yakap ko pa ang kaliwang braso niya "Saan na tayo?" Nahihiyang tanong ko sabay kamot sa pisngi
Natawa naman siya sa inasta ko, "Malapit na" tugon niya, saka inabot sa akin ang bote ng tubig "Inom ka muna" tinanggap ko iyon saka tumungga, nakikita ko sa gilid ng mata kong pinapanood niya ako kaya nilingon ko siya
"Bakit?"
"Wala" nag-iwas siya ng tingin, binaling ko sa daan ang aking atensyon saka parang napapamilyaran ang bawat lugar. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami, inalalayan ako ni Aestine pababa ng van, pumasok kami sa lugar at namangha ako sa ganda non. Napakaraming estante ng bilihan ng mga rosary, braceclet, souvenirs, at mga pagkain. Ignorante akong tumingin-tingin na parang unang beses ko iyong makalabas, hinayaan naman ako ni Aestine sa inaasta ko, kahit na nagmumukha na akong bata sa ginagawa. Hahawakan ko sana ang isang braceclet na gawa sa beads ng.....
"Ahhh, bakit po?" takang tanong ko sa lalaking bigla na lang hinawakan ang kamay ko, at hanggang ngayon ay hawak niya pa. Bahagya niya iyong hinimas habang nakatitig sa akin na parang pagkain ang kaniyang kaharap at takam na takam siyang tikman ito.
"Miss, bago ka ba dito?" malambing na tanong niya sabay ngiti
"Ahh opo--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pahablot na binawi ni Aestine ang kamay ko mula sa lalaki, dahil sa gulat ay agad niya itong nabitawan
"Bago lang siya dito" nakakaloko niyang ngisi
"Mmm" ngiti ng di kilalang lalaki, katunayan ay may itsura siya ngunit mas matanda pa ata sa akin ng tatlo o dalawang taon "Kung ganon, nobyo ka niya?" tanong niya sabay turo sa akin
"Ano sa tingin mo?" sarkastikong balik niya sa tanong ng kaharap, hindi niya padin binibitawan ang kamay ko at mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak ng tangkain ko itong bawiin
"Imposible, agad-agad?" gulat niyang tugon, kung tugon pa bang matatawag iyon eh tanong lang din naman
Nilingon ko si Aestine, nakakunot ang kaniyang noo habang seryosong nakatitig sa kaharap, saka ko nilingon ang lalaki na nakangiwi lang habang nakapamulsa "Eh, ano naman sa'yo?----"
"Hindi" sabat ko sa usapan nila
Polosipong tumawa ang lalaki saka kami nilampasan, sinundan ko siya ng tingin dahilan para mahagip ko ang nagagalit na titig ni Aestine sa pinaggalingan ng lalaki, "Sa susunod, huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kakilala" galit na pangaral niya, nanatili naman akong nakatingala sakanya na parang natatakot, kaya naman pilit siyang ngumiti "Pasensya na humiwalay ako"
"Hindi, ayos lang kasalanan ko" pang-aako ko
"Kasama mo ako kaya ako may responsibilidad sayo" nagulat ako sa sinabi niya ngunit agad din namang nakabawi
"Hindi naman ako..... bata" pahina nang pahina kong sabi, nahihiya ako sakanya
Bumuntong hininga siya saka tinignan ang braceclet na tinitignan ko kanina "Anong gusto mo dito?" tanong niya sabay pili sa mga braceclet na tinitignan ko kanina, hawak niya padin ang kanang kamay ko "Magkano po dito?" tanong niya sa tindera
"Singkwenta isa" tugon ng tindera
"Pili ka na" alok niya
"Hindi na" iling ko
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...