Chapter 29 (20 Chapters of Poetry)

9 1 0
                                    

Chesna's POV

"Goodmorning" masayang bati ng lalaking halos hindi mo na makita ang mata dahil sa sobrang pagngiti. Nakakatawa siyang tignan nakataas pa ang dalawa niyang kamay.

Awtomatikong napalitan ng tuwa ang kaninang inis ko "Goodmorning din Aestine Hale" bati ko din ng may ngiti. Naramdaman kong sumunod siya sa akin, ng aakma na akong uupo nagulat ako ng makitang titig na titig siya sakin habang nakaupo.

"Bakit?" tanong ko bago maupo

"Guess what, I joined a band" excited niyang balita sakin.

"Eh?" syempre mas excited na tugon ko

"Audition mamaya at busy sina Mart at Nath, please please go with me" natawa ako sa itsura niya nakapikit siya habang magkahawak ang dalawa niyang kamay na nakaharap sakin. Kunwaring sinilip niya ako saka pumikit ulit.

"Oo na sige na" unti-unting nawala ang mga mata niya at patalong yumakap sakin.

"YEEEEEEEESSS!!!" mahinang sigaw niya, yung kaming dalawa lang makakarinig. Pero parang mali ako ayun na naman iyong nang-aasar na tingin nung dalawang asungot niya.

"Hindi ako makahinga baka gusto mong bawiin ko yung pagpayag ko" naiipit kong sabi. Agad siyang kumalas ng marinig iyon.

"HEHE dedicated kasi sayo yung kakantahin ko mamaya kaya gusto ka talaga sana----

"Goodmorning" natigilan kami ng biglang pumasok ang guro namin.

Patakbong bumalik sa sarili niyang upuan si Aestine. Sinundan ko siya sa tingin at ng sumenyas siyang ayos na ay inabala ko na ang aking sarili sa pakikinig.

FILIPINO TIME

"Min, Ranz Nathaniel 22/30" anunsyo ng aming guro. Sinasabi niya ang nakuha naming iskor sa long quiz na binigay niya.

"Atlis 22 dba pasado daw yan eh" hanggang sa pwesto ko ay rinig ko ang bulong kung bulong pa bang matatawag ang ginawa ni Nath.

Hindi biro iyon dahil sinorpresa niya kami, nakakabulabog nga naman ang sorpresa at sa dami ng regalong matatanggap namin quiz sa topic na hindi pa namin natatalakay ang binigay niya.

"Natividad, Terrence 22/30" patuloy ng aming guro, tinutukoy ang presidente ng aming klase "Ajero, Aestine Hale 24/30" napaangat ako ng tingin, gusto kong kwestyunin kung gaano nga ba kasipag ang isang Aestine Hale na magbasa ng mga aralin.

"Naks naman pakshet lupet mo akala ko ba perfect mo, ha?" dinig kong bulong ni Nath kay Aestine

"Manahimik ka nga" sita naman ng isa.

"Antonio, Mart Laurence 26/30" sunod na anunsyo nito. Sa katunayan ay hindi pa nababanggit ang pangalan ko kaya naman nakaabang na ako. Pinakamababa ang inunang ianunsyo kahit na nakayuko ay nakikinig ako. May tiwala ako sa ginawa ko kaya naman hindi na bale sa akin kung anong makukuha ko.

"Berdin, Jessica 26/30 pareho kayo ni Mr. Antonio sa tingin ko ay iyon na ang pinakamataas" ibinaba ng aming guro ang lahat ng kaniyang hawak na answer sheets. Tatayo na sana ako para magreklamo ng.... "Naku, meron pa palang naiwan na isa" halos atakihin ako sa puso. "De Dios, Chesna Blythe 30/30 napakagaling ikaw ang pinakamataas" nakangiti siyang humarap sa akin.

Kumalma na ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko. Ramdam kong madami ang nakatitig sa akin pero hindi iyon alintana.

"Hindi ko nga pala nasabi na ang pagsusulit na ito ay hindi lamang normal na pagsusulit. Naisip kong mas maigi ito kaysa sa mga proyekto dahil makikita kung sino ang talagang nagseseryoso sa aking asignatura" laking pasasalamat ko sa itaas dahil sa palaging pagpapaalala ng pagbabasa ng aralin sa akin "Madami ang mababa ang nakuha, lima nga lang ang nakapasa" nakakabinging katahimikan ang ganap sa aming silid sa ngayon lahat kami ay napipi.

"Pero dahil may isang nakakuha ng perpektong iskor, lahat kayo ay makakakuha ng sampung puntos bilang bonus. Ang pasadong iskor ay 20 pa din" dagdag pa niya at umugong ang bulung-bulungan dahil doon "Iyon lamang, magkita nalang muli tayo kinabukasan" tuluyan ng nilisan ng aming guro ang silid.

"Ches, thank you ah pasado tayong lahat dahil sayo" hindi ko man lang namalayan na may mga nakalapit na pala sa akin

"Wala iyon, ginawa niyo din naman yung makakaya niyo deserve niyo yung bonus ni Ma'am"

Madami pa ang lumapit at kahit na naiirita ako dahil hindi ako sanay sa madaming tao masaya parin sa pakiramdam kapag nagtatagal.

"Isang pinta o isang kanta?" tanong ni Aestine. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng campus dahil sa building ng mga senior pa ang audtion ng banda.

"Hmm" kunwaring nag-iisip naman ako "Isang kanta nalang" desisyon ko.

"Kinantahan na kita ayaw mo ng pinta?" muling tanong nito.

"I can paint better than you" mayabang kong sabi sakay nauna sa paglalakad.

"Oo na oo na, tsaka hindi naman ako nagtatanong kung isang pinta o isang kanta eh. Yun kasi yung title ng kanta na kakantahin ko sa audition kaya ko sinabi sayo" napapahiya akong lumingon at bahagya pang bumagal ang paglalakad ko sa narinig.

"Okay" hindi nun mababawasan ang dignidad ko.

Sa isang may pagkalawak na silid gaganapin ang audition, karamihan ng nakikita ko ay gitara ang gagamitin katulad kay Aestine, meron ding drums, piano at iba pa. Nagsimula ang audition at nauna ang mga freshmen hanggang sa....

"Goodafternoon I'm Aestine Hale Ajero, a singer and song writer" hindi man lang siya kakitaan ng  kaba. Mayroon pa ngang nagtitiliang mga babae sa labas ng silid ng magpakilala siya.

"Isang pinta o isang kanta" matapos niya iyong sabihin ay nagsimula na siyang magtipa ng gitara.

Habang ako'y kumakanta

Naakit mo ang aking mata.

Isang babaeng may hawak na pinta

Sino ka nga ba?

Tanong sa aking sarili,

Paanong nagdala ka ng liwanag

Sa gubat ng aking pagluluksa

Ano nga bang dahilan

Kung bakit kita nakilala

Ibalik ang dating ako,

Na wala ka, kaso paano na?

Paano na?

Sinta ngayo'y iniibig na kita

Naiintindihan ko lahat, nakikinig ako. Oo, simula hanggang sa huli makikinig ako. Nakakapisil sa pusong makarinig ng isang kantang hango sa kwento ninyong dalawa

Isang pinta o isang kanta

Kulay ba o musika

Pareho iyang mahalaga sa ating dalawa bat ka pa ba nagtatanong.

Naisip ko nga,

Ang musika'y minsang hango sa pinta

At hindi mapipinta ang musika

Kung walang salitang maitutugma

Katulad natin sa ngayon

Isang pinta o isang.... kanta

To be continued...



Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon