Aestine's POV
Halos buong klase wala akong imik. Palingon-lingon lang habang tumatakbo ang isip, parang sabog ganun. Ito na nga ba ang pinaka-ayaw ko sa lahat, wala na namang nangyaring maganda.
"Woii Bonakid, magsorry ka kay Chesna" si Nath.
Nag-aayos na kami ng mga ginamit namin sa last subject.
"Para ka kasing bakla umasta, yan tuloy" isa pa tong si Mart
"Tutulungan niyo ba ako, o aasarin?" nakapamewang kong tanong
"Ayain mo maglunch" sabay nilang sagot
"Paano kung tumanggi?" tanong ko uli
"Problema mo na yan" sabay uli nilang sagot
"Alam niyo wala kayong naitutulong" napakamot nalang ako sa kawalan ng magagawa.
"Kiddo, ang mga babae ay isang diyamante hindi dapat binabalewala dahil minsan lang nakikita" payo ng gunggong na si Nath, kahit naman pala polosipo may maiaambag sa lipunan.
"Diyamante, pero nakakalat" si Mart, at sabay natawa ang mga anak ni Satanas.
"Ganito nalang, tulungan niyo akong kumbinsihin siya" alok ko.
Nagkatinginnan muna sila saglit saka..
"Paano kung ayaw?" sabay nilang tanong.JUSKO PO, BAKIT GANITO ANG MUNDO?!
"Aalis na siya, oh" turo ni Mart sa bintana, owskiiiirm!
Patakbo akong lumabas ng room, hayaan mo na yung dalawa kaya nila ng wala ako. Hindi naman ako ang nagpapakain sa dalawang yun.
"Ches.... Ches!" pagtawag ko, lumingon siya!
"Ano?" walang gana niyang tanong.
"Lunch tayo?" nakangiti kong tanong. Pumayag ka na, please lang.
"May pupuntahan ako" tugon niya sabay talikod---
"Ah, sandali lang. Sorry ah sorry kasi nasigawan kita sa selpon. Kasalanan lahat yun ni Nath---
"Hoy, anong ako?!" sigaw ni Nath sa likod, pero nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
akala ko kasi siya yon. Naasar ako eh---
"Naasar ka sakin?" mataray niyang tanong, ngayon ko lang napagtanto na ang dami palang nakatingin samin. Ang daming tao larga na kasi!
h-hindi ah! Badtrip lang kasi ako nong gabing yon----
"Badtrip ka dahil sakin?" pigil niya uli sa sinasabi ko.
Hindi, kasi nga, ganito...
siyempre, gabi eh... sa..." naubusan ako ng sasabihin, ANONG SUNOOOOD??!!"Alam mo hindi mo na kailangang magdahilan" huminhin ang boses niya "Dahil naiintindihan kong ayaw mo ng makipagkaibigan----
"Hindi, ah!" pigil ko sakanya, sa sobrang lakas non napalingon kahit teachers. WEWS MAGKAKARECORD NA ATA AKO SA OFFICE AT LALAYAS NA ATA AKO SA BAHAY.
"Ok" tugon niya, saka tumuloy sa pag-alis.
Bati na ba kami? "Bati na tayo?" pahabol kong tanong. I need confirmation!
"Oo, pero wag mo na ako lapitan" sagot niya. BYE WORLD, JOKE.
Narmdaman kong may umakbay sakin "Ano ba yan, ship ko pamandin kayo" si Nath.
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomansaMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...