Chesna's POV
Nandito ako sa stage ngayon habang hawak ang ginawa kong painting. Malakas ang palakpakan at madami ang humahangang nakatingin sa akin, ganito pala ang pakiramdam oras na makilala ka ng lahat pati na rin ang talento mo.
"Our Champion, Chesna Blythe De Dios!" malakas na sigaw ni Ma'am Viv, tipid ang ngiti akong lumapit sa harap saka ipinakita sa lahat ang aking gawa
(\>○</)
(\>○</)
(\>○</)Maraming humanga, maraming mukhang naiinggit, maraming pumapalakpak padin, at higit sa lahat maraming walang pakealam. Lumapit ang aming principal para isuot sa akin ang medalya at ibigay ang tropeyo. Nilingon ko ang mga kaklase ko, halos lahat ay hindi makapaniwala lalo na ang bruhang iyon na hanggang ngayon pumapalakpak pa. Nahagip ng mata ko sila Aestine, Nath at Mart, nakangiti sila sa akin habang pumapalakpak padin.
"Congratulations!" muling sigaw ng aming Principal "This artwork of yours will be placed in our school library, together with the trophies there. Itong trophy and medal mo ay iyo na" dagdag niya
"Thank you po" tanging tugon ko, speechless lang first time kong nakipagcompete eh
(\^○^/)
(\^○^/)
(\^○^/)"Nako, tamang-tama ang sabi ng Daddy mo sa iyo" si Ma'am Viv
"Puro papuri lang naman po yung nasasabi non kapag tungkol sa akin" nahihiyang sabi ko
"Pero totoo naman kasi"
"T-Thank you po" hindi ko naiwasang mautal
Humarap ako sa lahat saka tumungo. Nagpaalam ako kay Ma'am na mauuna ng pumasok dahil may meeting pa daw sila, nakapasok naman na ang lahat. Kung minamalas ka nga naman talaga, ano ba yan Satanas sirang-sira na araw ko sayo.
"Wow, so your a painter" namamanghang sabi ni Jess, as usual kasama niya mga kaibigan mga niyang bruha
"Oo" maikling sagot ko
(-__-)
"Nice painting" papuri ng kasama niya
"Medjo malaki ang trophy ah" sabat nung isa
"Well, so sorry sa mga sinabi ko" kunwaring nalulungkot niyang sabi "I judge people with two reasons, one I know them, and second I don't know them" may bahid ng sarkasmong sabi niya
Napaatras sila sa biglaang paglapit ko "Ginigiit na wala akong talento samantalang isa ka sa mga nakipalakpak" madiin kong sabi saka sila tinalikuran, idadala ko pa sa library itong painting
Nasa harap na ako ng AVR ng may humablot sa braso ko nilingon ko ito at si.....
(•○•)
"Galing mo ah!" papuri ni Aestine, kasama niya si Nath at Mart, binitawan niya ang braso ko
"That was fantastic" si Mart
"Grabe! Kaya pala isa ka samin eh" si Nath
"Mm salamat" tango ko
(^_^)
"Pwedeng makita?" tanong ni Aestine, iniabot ko ang painting sakanya
"Ang lungkot tignan pero mas lumilitaw yung ganda" hinawakan din ni Nath ang painting
"Well, the colors are so bright kaya kahit nakakalungkot yung theme maganda padin yung pagkakabuo. Despite sa binibigay nitong story and emotions, I love it" mahabang paliwanag ni Mart
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...