Chesna's POV
"OII AKO NAMAN!" bulyaw ni Nath kay Mart.
"Let me finish this!" pasigaw na tugon ng isa.
Natawa nalang ako dahil kanina pa sila pinagtitinginan ng mga batang naglalaro.
"Ayaw mo maglaro?" si Aestine.
"Maglalaro din ako pag natapos yung bata don" turo ko sa batang nagdradrums, iisa lang gantong laro dito.
May screen doon kung saan pinapakita ang papaluin mo para makapuntos.
"Habang nag-aantay ka pa, tara sa basketball" aya niya.
"Madaming naglalaro antayin nating magkaspace" nanghinayang ito ng makitang madami ngang naglalaro.
"Dun nalang sa may kotse may tatlo pa oh" turo niya sa mga racing games.
"Sige tara" pagpayag ko.
Habang naglalakad narinig namin ang sigawan ng dalawa naming kasama.
"Nath have you seen that?" turo ni Mart sa screen.
"Oo tabe tabe ako naman na" tinabi niya ang upuan ni Mart.
"Make me proud dumbass" natatawang sabi ni Mart.
Nag-unat ng sandali si Nath saka nagsimula "Meet the expert" mayabang itong nagsimula.
"Dito ka nalang sa dulo"
"Sige" nag-abot ng token si Aestine at nagsimula kaming maglaro.
Sa bawat laro ko nanalo ako at itong katabi ko..... palaging talo.
"Nakakainis naman mas magaling ka pa sakin" sumandal ito saka pumikit, napalingon ako sakanya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pula nitong labi na perpektong naukit. Ang magulo at makapal nitong kilay at may pagkasingkit na mga mata, lahat naman yata ay mapapatitig sa maamo niyang mukha.
"Ayaw ko pang umuwi dahil nakakainis si Mama" napaiwas ako ng tingin ng buksan niya ang mga mata niya.
"Bakit naman?" sumandal ako saka tinitigan ang screen ng game machine.
"Eh, pano ba naman magtatanong siya kung anong gusto ko tapos hindi naman niya ako binibilhan " parang batang reklamo nito "Tapos, kapag nagsasabi ako na may problema ako hindi niya ako pinapansin puro siya KAYA MO NA YAN" nagboses babae siya sa huli "Tapos kapag may kailangan ako puro sabihin ko daw kay Papa" mahabang kwento nito.
"Edi maganda" tanging naitugon ko.
"Anong maganda don?" gulat niya akong tinignan sa mata "Nakakainsulto kaya!" iritado niyang sabi.
"Buti ka pa nga eh, nasasabi mong nakakainis ang Mama mo kasi hindi ka niya binibilhan ng gusto mo" malungkot ko siyang tinignan "Naiinis ka sakanya kasi kapag nagsasabi ka ng problema, sinasabi niya na kaya mo na" umiwas ako ng tingin ng makaramdam ako ng pamamasa sa mata "Ako hindi ko yan nasasabi kasi hindi naman nangyayari sa akin yan, na dinadamayan ako ng Mommy ko" pahina nang pahina kong paliwanag.
Saglit na namutawi ang katahimikan, tanging ang ingay mula sa ibang naglalaro at game machine ang maririnig. Pareho kaming nakaiwas ang tingin at ang malala ay parang kami nalang ang tao dito.
"Kung ganon" napatingin ako sakanya ng magsimula siyang magsalita, nakaiwas pa din ito ng tingin "Sakin mo sabihin lahat dadamayan kita" tumingin siya sa akin matapos iyong sabihin.
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...