Chapter 32 (20 Chapters of Poetry)

6 0 0
                                    

Chesna's POV

"Isang kanta o isang pinta?" paulit-ulit kong tanong sa sarili habang nagpapaikot-ikot sa kama ko.

Kanina ay natapos na ang exam namin at ngayon imbes na magpahinga eto ako nag-iisip ng maiiregalo. Halos tatlong oras na akong ganito, nakahanda naman na ang regalo ko pero hindi ko alam kung kakanta nalang ba ako at bibili ng regalo o yung pinta nalang na matagal ko ng tinatago.

"ARGHHHHH" ilang beses kong pinukpok sa foam ang ulo ko "Pano kung di niya magustuhan?" matamlay kong tanong sa sarili.

"Anong hindi magugustuhan?" nagitla ako ng biglang umalingawngaw ang boses ni Daddy.

Paglingon ko ay nakita ko si Daddy na gwapong-gwapo kahit nakapambahay lang "Dad" agad ko siyang niyakap at hinagkan naman niya ako sa noo, na naging dahilan para gumaan ang loob ko. Hindi ko alam pero nasanay na ako, kahit malaki nako kailangan ko padin ang Daddy ko.

Umupo siya sa dulo ng kama ko saka niya ako niyakap mula sa likod "Ano kayang iniisip ng baby ko?" kunwareng nag-iisip niyang tanong.

"Regalo lang po" tugon ko.

Agad niya akong iniharap sakanya saka niya ako kinausap muli "Malayo pa ang birthday ng Daddy anak" hindi ko alam kung nagbibiro siya o umaasang may ibibigay ako.

"Eh, Daddy sa kaibigan ko po ibibigay" agad na tanggi ko, sumilay ang pagkadismaya sa mukha niya kaya lumapit ako "Syempre kapag birthay niyo po mas engrande ang regalo ko" napalitan ng ngiti ang kaninang lumbay niya.

"Nagbibiro lang ang Daddy, alam ko naman iyon" inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga "Aba, eh ngayon ko lang nalaman na kaibigan ka pala?" nabibigla niyang sabi, hindi ko pa nga pala napapakilala yung tatlo "Tapos reregaluhan mo pa" dagdag niya pa, HINDI PA PALA AKO NAGPAPAALAM!

"Opo kaibigan ko po sa school sa sabado na po yung birthday niya eh" napakamot ako, paano nalang kapag nalaman niyang puro lalake ang kaibigan ko? BAKA PALIPATIN NIYA AKO NG SCHOOL! Kahit naman mukhang mabait di Daddy strikto padin siya!

Iniiwas niya ang tingin niya sakin animoy nag-iisip "Hmm, what about paints and paintbrushes, canvas, charcoal pencils. Whatever type of art she does, maybe for journal or..." tuloy-tuloy niyang sabi, napatigil siya sandali at nakaabang naman ako "A DRESS!" medyo malakas niyang sabi pero ilang sandali pa at nag-iisip na uli siya "A pair of heels... sandals, maybe women's shoes--"

"Ah... Daddy eh parang para sakin naman po ata yung sinasabi niyo?" tanong ko.

'SHE' 'ARTMATS' 'DRESS' 'HEELS'

DADDY NAMAN EH!!!!!

"Hm, hindi ba kayo pareho ng gusto ng kaibigan mo?" tanong niya.

"H-Hindi po eh" tugon ko, na halos matawa na dahil sa mga suhestiyon niya.

"Hm, what should you get her then?" nasa taas ang kaniyang tingin habang nag-iisip.

"Ahh Daddy" nag-aalangan ko pagtawag agad naman niyang binaba ang tingin sa akin saka ngumiti "Kasi po.... lalake yung... kaibigan ko" napapikit ako matapos sabihin ang huling salita.

Ilang segundo pa ay dumilat ako para tignan siya, nakaupo parin siya at halos pagkamalan ko ng statwa dahil hindi man lang siya gumagalaw o kumukurap.

"Da--" hindi ko pa man siya natatawag ay agad na siyang tumalikod sa gawi ko.

HEEEEHHHHHH???!!!!

"Daddy?" pagtawag ko pero magulat ako ng makarinig ng kunwaring umiiyak na boses!

"HUHUHU BABY WHY?" humarap siya sa akin na may nagmamakaawang tingin "You told me when you were seven you want to be Daddy's bride" nagpatuloy siya sa kunwaring pag-iyak.

"Daddy hindi ko naman po yun boyfriend eh" agad kong tanggi pilit siyang inaalo.

"Kahit na" tumigil siya sa pag-iyak at hinawakan ako sa magkabilang braso "Dadating ang panahon at magkakagusto ka sakanya, aamin siya sayo na gusto ka niya, saka siya magpapaalam sakin para ligawan ka, at mahuhulog ka sakanya magiging kayo tapos mamahalin ka niya, aayain ka niyang magpakasal tapos.... tapos... IIWAN MOKO BABY KO!!" mabilis at tuloy-tuloy niyang sabi saka siya yumakap sakin at doon muling umiyak.

"Daddy naman eh, nag-iisip lang naman ako ng mareregalo kasi..." hindi ko pa man naitutuloy ang sasabihin ko ay agad na siyang tumuwid sa pag-upo

"Nag-iisip ka ng mareregalo dahil?.." tinitigan niya ako ng maiigi at malapitan, tinatansya ang maari kong sabihin.

"Mabait po kasing kaibigan si Aestine kaya po gusto kong may magandang regalo po akong maibibigay sakanya" nakangiti kong tugon.

Agad na napalitan ng gulat ang kaninang magagalit na niyang itsura "I'm happy that someone is there for you" ngumiti siya matapos magsalita "Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan dahil sa kaibigan" hindi nawala ang ngiti niya sa bawat salitang sinasabi niya.

Tango lang ang naging tugon ko, kahit na ako hindi na maalala yung mga oras na wala akong ibang kinakausap kundi si Mommy at Daddy lang dahil hindi naman ako natutong makisalamuha at makipagkaibigan. Kahit na madalas lumalabas ako hindi ako nakikipag-usap kahit na may pumansin sakin.

Tanging ang istoryang hindi ko inaasahang nasaksihan at tumatak sa puso't isip ko ang naging dahilan para matuto akong makiramdam at bumasa ng nararamdaman ng mga taong nasa paligid ko.

"Well then" boses ni Daddy ang bumasag sa malalim kong isip "How about a motorcycle? A car or a something that guy always love" mayabang na suhestiyon niya.

WAHHHHH GRABE NAMAN!

"Ahh, yung mabubuhat ko lang po sana" hiling ko.

"Ano bang hilig niya?" sa wakas ay nagtanong siya.

"Music"

"Oh" gulat niyang sabi "Then lets give my baby's friend a special gift" kumindat siya matapos sabihin iyon.

"Aasahan ko po kayo ahh" nakangiti akong yumakap sakanya.

"Ok ok, don't stress too much you have your most handsome Dad in the world to save you" yumakap din siya sa akin.

Cargosin De Dios, purong Japanese ang Mommy ni Daddy kaya may lahi kaming Hapon. Isang napakagwapong doctor na may malambot na puso ang Daddy ko. Dahil sa pagkawala ng bunso kong kapatid, ako na uli ang tinuturing niyang baby. Gayunpaman, nais kong suklian ang lahat ng sakripisyo niya sa akin, kailanman hindi niya pinaramdam na kasalanan ko ang pagkawala ni ading. Kahit na... lahat kami nasaktan sa nangyari.

KINABUKASAN

"WOW!" napahiyaw ako ng makita kung anong regalo ang nabili ni Daddy.

Tinanghali na kasi ako ng gising dahil sa ilang araw na puyat kakareview. Ngayon nalang uli ako nakatulog ng maayos, at paggising ko binungad sakin ni Daddy ang nabili niyang ireregalo ko.

"Thank you po" sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya "Sigurado po ako magugustuhan niya po yan" tukoy ko sa binili niya.

Hindi halata kung anong laman, simpleng plain brown lang na wrapper ang pinambalot at may cute na red ribbon sa gilid.

"But, you have to pay for that" bigla naman ay sabi niya.

"Mm, magkano po?" nakangiting tanong ko. Willing naman akong magbayad, ireregalo ko tapos ipapabayad ko sa iba.

"Hmm, UNLIMITED KISS SA CHEEKS!!" agad niya akong pinaulanan ng halik sa cheeks animong nanggigigil.

Sa huli ay niyakap ko siya, naaalala ko pa yung araw na sinabi ko sakanyang ako ang magiging bride niya. Dahil ignorante pa ako noong maikwento niya ang love story nila ni Mommy, at nasabi niya sakin na balang araw ay mararanasan ko din iyon pero iba ang takbo ng kwento. Nangako ako na magiging bride niya ako, sa madaling salita.... HINDI AKO MAG-AASAWA!

Pero dati yon, pano na ngayon?

To be continued...

HI HELLO SALAMAT AT NAKARATING KA HANGGANG DITO! BTW KUMAIN KA NA?



Kung Wala Ka (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon