Aestine's POV
"The outer portion of the earth is..." nagpapasensyang tanong ni Ches
Thursday na ngayon at nagrereview kami sa Science at ang dalawang magaling kong kaibigan iniwan kami dito sa school. Halfday lang ang klase dahil magrereview nalang naman ang gagawin at bukas ay exam na. Hindi ko kinakaya tong nagtuturo sakin, mas malala pa siya kay Ma'am eh. Yung dalawang mokong naman hanep sa galing mukhang pinaghandaan ang ginawang pagtatanong ni Ches samin kanina, habang ako ayun tunganga. Eh kasi daw basehan niya kung ano daw ang hindi namin masasagot yun ang ituturo niya, ako si tanga walang alam eto ngayon.
Nakasabunot ako sa buhok ko habang nakatitig sa notebook at pinipilit na inaalala ang kanina niya pang tinuturo.
"Oh, ano?" nagulat ako dahil sa kasabay na pagtapik niya sa notebook.
"C-Crust" nanginginig kong sagot.
"Sigurado ka?"
"H-Hindi"
TAMA NA SATANAS TAMAAAA NAAAA!!!!
"OH! Eh, bakit hindi ka sigurado paano ka makakasagot bukas kung hindi ka sigurado?" sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay hinahampas niya ng malakas ang notebook.
Nakakapanibago ang maangas niyang boses at nakakatakot ang mapupungay niyang mga mata habang nagtuturo. Kasabay pa non ang nakakagulat na paghampas niya.
Inis kong ibinagsak ang dalawang braso ko sa mesa at tinignan siya ng nagmamakaawa "Kailangan ba sigurado ako?" naiinis kong tanong.
"Malamang, paano mo malalaman kung tama ka kung hindi ka sigurado?" mas tinaasan niya pa ang boses niya.
May punto naman siya eh "Oo sigurado ako" taas noo kong sagot.
Pero halos magpalamon nako sa lupa ng ngumisi siya.
"Mali!" tugon niya, nanlumo ako at mas lalo pang nasabunot ang sarili.... ilang sandali pa "Biro lang, tama ka" agad akong napalingon sakanya.
"Totoo?" nagugulat kong tanong, dahil sa unang pagkakataon nakatama ako.
"Oo engot" kasalukuyan niya ng inaayos ang ibang gamit niya.
"Hay sa wakas tapos na" nag-uunat kong sabi.
"Kung masasagot mo lahat ng tanong ko ng tama, tapos na" kung makakatakas lang sana ako baka tumakbo nako palayo pero para sakin din toh.
"Sige" pagpayag ko.
"Talaga ba, masasagot mo ba lahat toh ng tama?" natigilan ako sa tanong niya.
"HEHE magbabasa muna ako" tatawa-tawa kong palusot.
Makalipas ang ilang minuto ay nangyari ang gusto niya. Nakatulong ang kaninang pakikinig ko sakanila ni Nath at Mart dahil nakasagot ako, may mali rin akong nasasagot pero tinatama lang niya at ayos na. HUWAG DAW KALIMUTAN iyan ang word of the day niya sa halos nakailan siyang paalala sakin.
"Ok very good mabait ka naman palang bata ka, kailangan lang ilang beses kang pagsabihan" para siyang si Mama kung magsermon.
Lumabas kami sa park at nagpaalam sa isa't-isa, sa hindi kalayuan lang ang hospital na pinagtratrabuhan ng Daddy niya at dadaan daw muna siya doon bago umuwi. Habang ako, deretso uwi na, mamayang hapon pa si Mama uuwi kaya mauuna na ako para makapagreview.
KINABUKASAN
"Min, Ranz Nathaniel, ALL SUBJECT FINISHED" rinig kong sabi ni Nath sa guro namin.
AKO ANG HULI SA AMING APAT! Inis kong tinaas ang paningin sa kinaroroonan niya, at eksakto namang nahuli ko siyang nakatingin sakin habang tumatawa. Tinuro niya ang pinto at walang boses na binanggit ang mauuna na ako. Tumango lang ako saka nagpatuloy sa pagsasagot.
Sa dami ng subject na pwedeng huli naming sagutan MATH PA! Lumingon ako sa paligod, apat nalang kaming nagsasagot. TAKTE TAKTE TAKTE TAKTE!
"Emanuel, Bry ALL SUBJECT FINISHED" ang isa sa mga kaklase ko.
Mas pinagpawisan pa ako dahil ayokong maiwan dito at bukod pa don hindi pwedeng hindi ko tapusin toh. Pagtayo ko ay saktong nagsabay-sabay kami ng dalawa ko pang kasama. Basta ko nalang hinablot ang bag ko at lumabas, 'tong magagaling kong kaibigan nauna lang natapos iniwan na'ko. Pagdating ko sa pinto....
"VEEEEEEEERYYYYYYYYYYYYY GOOOOOOOOOOOD MAH MEN!!!" akbay sakin ni Nath. Sabay na kaming naglakad.
"Akala ko iniwan niyo na ako eh" kunwaring magtatampo kong sabi.
"Sila yun, ako nandito ako" sagot niya.
"Eh?"
"HAHAHAHA nagdate yung dalawa" bulong niya sakin.
Halos masuka siya sa biglaang pagsiko ko sa tiyan niya "Yan, man down" tatawa-tawa kong sabi habang nakaturo sakanya. Pero natigilan ako ng mapaupo siya "Oii Nath ayos ka lang?" nag-aalala akong lumapit sakanya.
"D-Dre" nahihirapan niyang sabi, kahit sa mahirap na sitwasyon nakakatawa yung mukha niya hindi ko alam kung matatawa ako "Pakisabi kay Maine, s-sagutin nako habang m-maaga pa" inis ko siyang binatukan dahil sa kadramahan niya.
"Ang asim mo" sigaw ko sa mukha niya.
"HAHAHA ampangit mo!" mas malakas na sigaw niya sa mukha ko.
Inis kong tumayo at tinulungan siya "May paupo-upo ka pa kasi ayan ang dumi mo dugyot!" sermon ko sakanya.
"Atlis ang asim natin pareho" agad akong umiwas ng pagtangkaan niya akong halikan sa pisngi.
"BAKLA!" sigaw ko.
"HAHAHAHA halika na nga" inakbayan niya uli ako saka kami sabay na naglakad.
Paglabas namin ay bumungad samin si Ches at Mart "Tagal niyo naman" reklamo ni Ches.
"Eto ang matagal" turo sakin ni Nath.
"Tara na, tara na we deserve some treats. Libre ko!" aya ni Mart.
Masaya kaming naglakad paalis sa school. Parang kailan lang nung nasa elementarya kami, nagkaroon din ng prinsesa sa grupo noon, kaso umalis at mukhang nakalimot na o sabihin na nating nakalimot na nga. At ngayon, apat na uli kami.
Chesna's POV
Naglalakad ako papasok habang nagbabasa ng libro ng may bumati sakin...
"Goodmorning Ches" si Mart.
"Goodmorning" nakangiti ko ding bati.
"Next week, after our exam on Saturday" panimula niya.
"Mm, 16th of August" tugon ko.
"Yeah, it's someone's special day"
Agad akong napaisip at kung hindi ako nagkakamali "Si Aestine?" tanong ko.
"Yeeeep" napatigil kami sa pareho sa paglalakad "We created a plan for his day, since wala namang pasok" tuloy niya. "Are you in?" tanong niya sa akin.
"Yeah, anything for that guy" hindi ko napigilang mangiti.
Nagpatuloy kami sa paglalakad "You like him?" muli kaming tumigil sa paglalakad dahil sa tanong ni Mart.
"Sa tingin mo ba..." hindi ako makasagot "Sa tingin mo ba, may gusto ako sakanya?" mauutal kong binalik ang tanong sakanya.
Natawa siya pero agad ding nakabawi "Hindi ka showy pero I know na may nabubuo ka ng feelings para sakanya" titig lang siya sa mga mata ko habang naghihintay ng sagot.
"Uulitin ko" biglang humina ang boses niya "Do you like him?" muling ulit niya sa unang tanong.
Ilang segundo akong nangapa ng maisasagot at hindi ko na maitatanggi pa. Iisang salita lang pero hindi ko masabi, iilang letra lang hindi ko pa mabanggit. At sa wakas...
"Oo" pag-amin ko.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomanceMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...