Chesna's POV
"Woooff" tahol ni Kuro sa akin habang nagsasapatos ako.
"Sandali lang ako, uuwi din ako agad" paalam ko rito, tinignan ko ang isa pa naming aso at halatang sarap na sarap ito sa tulog.
Hinalikan sa ulo si Kuro na isang full mask agouti hindi ko mapagkakailang mahilig ako sa husky at si Taro naman ay isang golden retriever. Si Daddy ang boss nito.
"Pumasok ka muna sa kwarto ko huwag mong ngangatngatin yung mga canvas ko ah" masaya kong bilin dito.
Agad siyang sumunod at halos madulas-dulas pa sa hagdan. Paglabas ko ay natigilan ako ng may nagtext sa akin.
Aestine (1 message)
"San kana?"
"Papunta na" tugon ko.
Pagrating ko sa Parke ay nakita ko silang magkakaibigan na nag-aasaran. Parang nga bata, may tumatawa may nagbabaklabaklaan at siyempre may pikon. Minsan hindi ko sila maintindihan pero ano pa nga ba, alangan namang pag-aralan ko pa pati mga kalokohan nila baka makaapekto sakin ayaw ko non.
Naglakad ako papalapit at ng makita ako ni Mart ay agad niyang tinabig ang siko ni Nath na nagbabaklabaklaan pa din. Sabay nilang inayusan at kinausap si Aest, malayo pa ako kaya naman hindi ko sila marinig.
"Go for it maknae, huwag mong hayaang maging bulate ka lang" bulong ni Nath, na tinawanan ni Mart.
"Hi Ches!" malakas na bati ni Mart sabay kaway sa akin, parang batang bagong labas amp.
"Hi" kaway ko din sakanila.
Naglakad silang dalawa palapit sakin, nagulat ako ng tapikin ni Natha ang balikat ko sabay bulong "Umayaw ka" napalingon ako sakanya at natatawa lang siyang lumayo kasama ni Mart.
Sa madaling salita abnormal.
Paglingon ko sa isa pa namin kasama ay hindi ko maintindihan ang itsura nito. Parang nakakita si kamatayan at sadyang takot na takot at hindi makagalaw. Isa ka pa abnormal.
Sige para fair ako na rin abnormal.
"Goodmorning" bati nito sakin.
"Hapon na" tugon ko habang naglalakad papalit dito, hilo na yata.
"Goodafternoon pala" tuliro niyang pang-uulit.
"Bakit mo pala ako tinawag dito?" tanong ko dito pero parang ako yata si kamatayan na nasa harap niya.
Nakatitig lang siya sa akin nung una at parang nagulat pa siya na nasa harap niya ako, tama ang hinala ko hilo na siya.
"Ahhh" napakamot ito sa tingin ko ay nahihiya na siya "Sorry" nahihiya nga nitong sabi.
"Wala ka namang ginawa para magsorry ka, teka nagsimba ka na ba?" tanong ko uli dito.
"Ha, oo"
"Ah... eh bakit parang sinusundo ka na?" pang-aasar ko dito.
"Hindi... ano, kakausapin sana kita" hindi niya ako magawang tignan sa mata.
Nilalaro-laro niya lang ang sahig gamit ang paa niya habang kinakausap ako. Nawiwirduhan ako dahil sa inaasta niya ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Ano yon?" naiinip ko ng tanong, oo napakamainipin ko isa yan sa ugali ni Daddy na namana ko.
Doon niya lang naiangat ang mga mata niya sakin, naaalala ko tuloy ang itsura niya noong una ko siyang makita. Mukhang sabog pero pogi pa rin, ikaw na bahalang mag-imagine.
"Ahhh.... teka" nagulat ako sa biglaang pagtalikod nito at parang naghahanap ng hangin sa kung saan.
"Sige take your time, doon muna ako kila--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko o maituloy man ang pagtalikod ko ng bigla niyang hinila ang kamay ko.
"Ah... teka dito ka na ok na" kinakabahan niyang sabi.
"Ok, ano yung sasabihin mo?"
Hindi niya inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nakatitig lang siya sa mga mata ko.
Aestine's POV
Paano ko ba kasi toh sisimulan?
Bakit ba kasi ganito?
Ang luma masyado ng ideya ko pero.... ito lang sa ngayon ang alam kong gawin....
"Sa susunod akong kakanta... sana pakinggan mo ako" panimula ko "Sinisimulan ko ng isulat ang bawat liriko..." sa bawat salitang binibitawan ko kasabay iyon ng malakas na pintig ng puso ko "...at ipagpapatuloy ito habang lumilipas ang oras, minuto maging segundo." unti-unting namumuo ang kuryosidad sa kaniyang mukha.
"Ang bawat salita sa laman ng kanta ay nanggaling sa isang musikerong may pangarap.." pagtukoy ko sa sarili ko "...na kumanta sa isang malaking entablado habang humihiyaw ang mga tao sa galing ng kaniyang talento" hindi ko mabasa ang emosyon na namumuo sa mga mata niya dahil halo-halo ito.
"Pero, kung wala ka sa mga taong humihiyaw sa galing ko... kahit sana ipasan mo nalang ang damdamin ko habang kumakanta't tumutugtog" pinisil ko ang malambot niyang kamay na hanggang ngayon ay hawak ko pa "Hindi, hindi ko pala kaya..." nakita kong magbago ang emosyon niya kasabay ng pagkunot ng noo nito.
Dami kasing alam get straight to the point na pinapatagal pa eh.
"Kung hindi ka isa sa mga taong humihiyaw sa talento ko at hinahangaan ako sa kung anong kaya ko.... hahanapin kita at ikaw nalang ang kakantahan ko." boom panis ka sa matamis kong mga salita.
"Kaya sana panoorin mo ako sa bawat pagtatanghal ko... hindi ko--"
"Makakapagtanghal ka naman ng wala ako ang drama mo ah!" nagulat ako sa biglaang pagsabat niya.
Panira amp, sandaliiiii ngaaaa!
"Oo pero hindi ko masasambit yung bawat liriko dahil sa iyo ko gustong sabihin lahat ng iyon at mas nadadama ang kanta kapag nagtutugma ito sa nadadama" oh oanis ka uleeeet!
Nakita kong natigilan siya na may halong naiinip na.
Mamaya kasi mukha kang nagmamadali teka lang wait.
"Ayokong lumipas ang mga araw na kasama kita at hindi mo man lang malalaman..." bigla akong nakaramdam ng kaba "...at pagsisisihan kong hindi ko man lang nasabi kahit ni minsan." parang kailan lang nung nakilala kita at una tayong nagkasama.
"Hindi ko ninanais na maging akin ka pero nais ko lang iparamdam sa'yo ang nararamdaman ko" mas matinding kaba pa ang naumo sa loob ko "Hindi kita pagmamay-ari at wala akomg karapatang angkinin ka ng walang pahintulot kaya ngayon gusto ko sanang humingi ng permiso" for you I'll risk everything.
Halatang hindi niya na ako maintinidhan sa dami ng sinasabi ko pero.... magpapatuloy ako.
"Hindi ang maging akin ka kundi ang payagan mo akong mahalin ka... hindi ko hihilinging mahalin mo rin ako pero oo" tila tumigil sa pagtibok ang puso ko ng masabi ko ang gusto kong sabihin.
"Mahal kita" at sa wakas nasabi ko din.
To be continued....
OH! NAGHUGAS KA NA BA NG PINGGAN? NAG-ANTAY KA DIYAN KUKUHA AKO NG TSINELAS.
BINABASA MO ANG
Kung Wala Ka (Ongoing)
RomansMalalabanan natin ang ating damdamin ngunit hindi ang tadhana na siyang sa huli'y nasusunod. Mahal kita ngunit paano kung hindi ko na kaya? Magpapatuloy pa ba kung puso'y napapagod na? Handa akong danasin ang lahat, pero paano kung ako lang ang lala...